^

PSN Showbiz

Temptation Island ibinigay na ng Regal sa TV5

-

MANILA, Philippines - Sa darating na 2012, mapapanood na sa TV5 ang pinakamalalaking rea­lity shows na magbibigay ligaya at inspirasyon sa buong bayan.

Tiyak na maantig ang inyong damdamin sa Extreme Makeover: Home Edition Philippines. Sa kauna-unahang pagkakataon sa Pilipinas at sa buong Asya, ang sikat na American home renovation reality program ay nandito na sa bansa. Tampok dito ang kuwento ng ilang piling pamilyang nakapagbigay inspirasyon sa kanilang komunidad sa kabila ng mga pag-subok na kanilang kinakaharap.

 Sa pamamagitan ng design team ng Extreme Makeover: Home Edition at mga volunteers, nabigyan ng bagong bahay at bagong pag-asa ang mga pamilyang ito. Ang design team ay pinangungunahan ni Paolo Bediones. Kasama rin dito sina Tessa Prieto-Valdez at Divine Lee.

Mapapaindak naman ang buong bayan sa pinakabagong dance-off competition sa Pilipinas, ang Dancing Nation. Mula sa South America ang konsepto ng Dancing Nation kung saan magpapagalingan ng sayaw ang isang buong komunidad upang makapagbigay ng tulong sa napili nilang beneficiary.

Kanta Pilipinas naman ang pinakabagong nationwide singing competition na ilulunsad ng Kapatid network. Lilibutin ng show ang buong bansa upang mahanap ang susunod na singing sensation ng Pilipinas.

May mga nakakatuwang variety game show din ang ihahatid sa inyo ng TV5 sa darating na taon. Makikipagtagisan ng galing ang Pilipinas laban sa bansang Thailand, Malaysia at Indonesia sa The Biggest Game Show in Asia. Ang kuwelang show na ito na puno ng games at mga kakaibang obstacle course ay pangungunahan nina Richard Gomez at Joey de Leon bilang mga hosts.

Siguradong matutuwa ang mga fans ng sikat na Amazing Race franchise dahil nasa Pilipinas na ang makapigil-hiningang reality program na The Amazing Race Philippines

Intriga at drama naman ang siguradong tututukan ng lahat sa Temptation Island: Dare to Win.

 Isang kaabang-abang na programa kung saan isang grupo ng mga babae at lalake ang na-stranded sa island, ang konsepto nito ay mula sa sikat na ‘80s film na Temptation Island ng Regal Entertainment.

vuukle comment

AMAZING RACE

AMAZING RACE PHILIPPINES

BIGGEST GAME SHOW

DANCING NATION

DIVINE LEE

EXTREME MAKEOVER

HOME EDITION

PILIPINAS

TEMPTATION ISLAND

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with