^

PSN Showbiz

Maricel aminadong may mga ginawang mali sa mga kasambahay!

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio -

PIK: Sasalubungin ni Edgar Allan Guzman ang 22nd birthday sa kanyang show sa Zirkoh na Indie Bro kasama si JM de Guzman.

Sa Linggo pa ang birthday ni Edgar, at sa Sabado ng gabi ang show nila ni JM sa Zirkoh pero tiyak na aabutin ito ng Linggo ng madaling araw kaya magiging asalto na rin ito para sa kanya.

Happy na raw siya kahit walang party dahil pawang trabaho naman siya sa kanyang kaarawan.

Bukod sa show nito sa Zirkoh, sa Sabado na rin mapapanood ang episode nito sa Regal Shocker kasama si Alex Gonzaga na dinirek ni Rahyan Carlos.

Sobra-sobrang birthday gift na raw ito sa kanya, dahil meron pa siyang mga pelikulang tinatapos.

Sana matapos na raw ang negatibong isyu sa kanya.

PAK: Itinatanggi ni Lovi Poe ang intrigang nagkakalabuan na ang pagkakaibigan nila ni Marian Rivera at isa raw sa mga dahilan ay ang pagsasama nina Lovi at Heart Evangelista sa isang drama series ng GMA 7.

Ayon kay Lovi, hindi naman ganun kababaw si Marian para magtampo ito.

“I haven’t seen her so long. Walang chance ka­sing magkita. Hindi naman siguro, hindi naman shallow si Yan para isipin iyan,” pahayag ng young actress.

Naniniwala siyang hindi naman nagbabago ang friendship nila kahit wala na silang komunikasyon.

BOOM : Iniiwasan pa rin ni Maricel Soriano ang isyung kinakaharap ngayon, lalo na ang tungkol sa kaso nito sa dati niyang kasambahay.

 Nang humarap ito sa press nang sinadya namin sa pictorial ng Yesterday, Today, Tomorrow, ma­ingat si Maria sa mga sagot niya.

 Inamin lang nitong may mga pinagdaanan siyang unos at hinarap daw niya ito nang buong ningning.

 Inamin naman niyang may pagkakamali rin siyang nagawa, pero ang mahalaga ay kung paano mo ito harapin.

 “Marami tayong dinaraanan sa buhay na pagdaraanan uli sa buhay natin na mahirap na kaka-yanin natin o kinakaya natin. Pero kailangan nating maging malakas at maging matatag ’di ba? Mahirap pero kailangang kakayanin natin. At kailangan nating harapin at kailangan nating magpakatotoo. Iyon naman ang importante sa lahat, kailangan nating magpakatotoo.

“Importante sa lahat, kailangan nating magpakatotoo.

“Marami tayong pinagdaanang mali at masasabi nating mali dahil napagdaanan natin. Marami tayong maituturo sa mga kaibigan natin, para maitama ang mali,” pahayag ng aktres.

vuukle comment

ALEX GONZAGA

EDGAR ALLAN GUZMAN

HEART EVANGELISTA

INAMIN

INDIE BRO

LOVI

LOVI POE

MARAMI

ZIRKOH

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with