Derek nagpapaka-humble sa pagiging box office king
MANILA, Philippines - Walang kaagaw si Derek Ramsay sa pagiging Box Office Actor this year matapos parehong pumatok sa takilya ang dalawa niyang magkasunod na pelikula – ang No Other Woman na palabas pa sa ilang sinehan at Praybeyt Benjamin na hanggang ngayon ay pinipilahan pa rin sa ilang sinehan.
Pero humble si Derek sa tuwing sinasabi ang kanyang bagong status : “No naman, suwerte lang siguro,” parati niyang sagot.
Sa No Other Woman, ipinakita niya ang galing sa acting at ang yummy niyang katawan.
In fairness, consistent ang acting niya sa nasabing pelikula – from beginning to end na pinag-aagawan ng dalawang babaeng parehong maganda – sina Anne Curtis (mistress) at Cristine Reyes (wife). “I always knew from the very start that he would develop into serious actor,” sabi ng manager niyang si Joji Dingcong.
Masasabing exception to the rule si Derek sa maraming model na nag-showbiz. Karamihan kasi sa mga sumubok, sadly hindi sila nagtagumpay.
“I should say that experience is the best teacher. As they say,” sabi ng aktor na galing sa mayamang pamilya pero sinubukang manirahan sa depressed area, a chapter in his life na siguradong pinanggagalingan ng kakaibang husay niya sa akting.
Pero ang maganda sa kanya sabi ng mga kakilala niya, he keeps his feet firmly planted on the ground kahit na siya nga ang reigning Box Office Actor.
Award na lang ang kulang para ma-validate ang kanyang bagong status. “I’m keeping my fingers crossed,” sabi niya.
JM De Guzman, bibinyagan
Bibinyagan na bilang pinakabagong leading man ang young actor na si JM De Guzman sa pagsisimula ng kanyang pinakaunang seryeng pagbibidahan ang Angelito: Batang Ama ngayong Lunes (Nov 14) sa Kapamilya Gold – 3:30 p.m.
Mapapanood na nga si JM sa kanyang pinakamapangahas na role bilang batang ama na si Angelito.
Tingnan natin kung paano niya haharapin ang mga hamon bilang isang ama sa napakamurang edad.
“Kaabang-abang talaga ito kasi sa unang pagkakataon, perspektibo naman ng batang ama ang ipapakita sa mga manonood. Makailang ulit na natin nakita ang pinagdaraanan ng isang batang ina pero maiiba ang pananaw mo sa kalagayang ito na madalas iniiwasang pag-usapan,” sabi ni JM na pressured sa pagsisimula ng kanyang unang pinagbibidahan.
Kasama rin sa cast sina Charee Pineda, Kaye Abad, Tom Rodriguez, Ina Feleo, Matt Evans, Felix Roco, Sam Concepcion, Devon Seron, Jason Francisco, Carl John Barrameda, Kyra Custodio, Bianca Casado, Sue Anna Ramirez, Eliza Pineda, Mariel Pamintuan, Lemuel Pelayo, Benj de Guzman, Eslove Briones, Michael Flores, Joshen Bernardo, at Bea Basa. Mapapanood din dito ang pagbabalik telebisyon nina Ms. Elizabeth Oropesa, Al Tantay, at Ms. Snooky Serna.
Unang nakita sa telebisyon bilang Mike sa PHR Presents Midnight Phantom, nakita agad ang kakaibang galing ni JM kaya naman nasundan ito agad at nabigyan pa siya ng iba pang mga proyekto tulad ng PHR Presents Alyna at Martha Cecilia’s Kristine.
Marami ring bumilib sa kanya sa My Amnesia Girl na pinagbidahan nina John Lloyd Cruz at Toni Gonzaga at tuluyan na siyang nakilala nang pumatok sa takilya ang pinagbidahang Cinemalaya movie na Ang Babae sa Septic Tank kasama ang beteranang komedyante at Cinemalaya 2011 Best Actress na si Eugene Domingo.
Actually, aminado naman siyang mabilis ang arangkada ng kanyang career, pero say ni JM matagal niya itong hinintay at pinangarap.
Feeling niya ring nasa tamang panahon ang pagiging ’bata’ niya sa Angelito.
“Matagal ko ng hinanda ang sarili ko para sa mga proyektong tulad ng Angelito: Batang Ama. Tumigil ako mag-showbiz noong bata pa ako para mag-aral ng Theater Arts sa University of the Philippines at mas lalo pang paghusayan ang talento ko sa pag-arte. Kaya sa ngayon, masasabi kong handa na akong sumabak sa ganito kalaking role,” paliwanag ni JM na dating child actor na napapanood sa Ang TV.
- Latest





















