^

PSN Showbiz

Maraming staff ng TV host, naglayasan!

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis -

MANILA, Philippines - Marami palang staff ng isang TV host ang nag-resign. Narinig ko na nagkukuwento ang isang kasama sa trabaho tungkol sa kamag-anak niyang nag-resign na dating sinasamba ang boss na TV host.

Gulat ang kasamahan sa trabaho dahil sobra-sobra ang sampalataya ng kamag-anak niya sa amo at halos makipagpatayan ito pero bumitiw din nang hindi nila alam ang totoong rason.

Pati ang kotseng ipina-loan ng TV host sa staff na nag-resign ay ibinalik ng mga staff members na tumiwalag na.

Huling concert ng Black Eyed Peas bukas na!

 Bukas na ng gabi (Oct. 25) ang pinakahihintay na concert ng Black Eyed Peas sa Manila — Where is the Love? This is the Love. Gaganapin ang concert sa SM Mall of Asia concert grounds.

Excited na ang lahat para sa nasabing concert. In fact, marami ang galing pa sa ibang bansa para lang manood ng concert ng grupo dahil dito lang sila sa Pilipinas magko-concert — from as far as Australia, Hong Kong, Korea, Singapore, and Thailand — bago tuluyang magkanya-kanya ng buhay.

Kaya nga mabilis na gumalaw ang ticket ng concert nang malaman ng mga adik sa mga kanta ng Black Eyed Peas (BEP) na darating nga sila.

Ang una palang na-sold out ay ang mga tiket sa VIP section na nagkakahalaga ng P15K. Balitang marami ring mga sikat ang manonood bukas ng gabi dahil nga ito na ang “last” concert nila as a group. Yup, pahinga muna sila bilang grupo.

Pero ang sigurado, hindi mawawala sa paningin natin si apl.de.ap, ang kasama sa BEP na may du­gong Pinoy dahil tuloy ang advocacy niya for I am Ninoy, I am Cory Foundation, to build school classrooms all over the Philippines; si Fergie ay magta-try nang magka-baby; and Will.i.am and Taboo will do their own thing for awhile after this tour. 

Kaya halos talaga lahat ay gustong panoorin ang concert nila including me. At suwerte naman tayo dahil napili nila ang ’Pinas para sa kanilang “historical” concert.

At para pala magkaroon ng chance ang lahat na mapanood ang concert, maraming sponsors na nagbigay ng discount sa tickets.

Naunang nagbigay ng discount ang Philippine producer nila Futuretainment — 20 percent discount for all early bird patrons. Ang Cebu Pacific ay nag-offer din ng also special seat sale in line with the concert.

Ang Citibank ay namimigay pa ng 15% discount to buyers of the following: VIP seated, P12K; VIP A, P10K; VIP B, P8K; Gold, P6K; Silver, P3K; and Bronze, P1K. Buying in bulk means more discounts.

Kabilang sa mga kanta nilang kinababaliwan ng lahat ay ang Where is the Love, Let’s Get It Started, Hey Mama, Shut Up, Don’t Phunk With My Heart, I Gotta Feeling, My Humps, Don’t Lie, Just Can’t Get Enough, Boom Boom Pow, Pump It, Imma Be, Meet Me Halfway, The Time (Dirty Beat), and Don’t Stop The Party.

May chance pa kayong humabol kung wala pa kayong ticket — for inquiries, call the following hotlines: SM Tickets 470-2222, TicketWorld 891-9999, MMI 0917-5555415; 586-7275, or Futuretainment 0947-3964539, and 577-3265.

vuukle comment

ANG CEBU PACIFIC

ANG CITIBANK

BLACK EYED PEAS

BOOM BOOM POW

CONCERT

CORY FOUNDATION

DIRTY BEAT

FUTURETAINMENT

GET ENOUGH

GET IT STARTED

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with