^

PSN Showbiz

Rep. Manny nang-good time lang pala sa pagbi-bise presidente

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis -

Kasama namin sa Macau si Jake Joson, ang malapit na kaibigan ni Congressman Manny Pacquiao. Si Jake ang naglinaw ng balita na hindi kakandidato si Manny bilang vice president ng Pilipinas sa susunod na eleksiyon.

Ang sey ni Jake, nagbibiro lang si Manny nang kausapin ito ng isang American reporter. Hindi inaasahan ng Pambansang Kamao na magiging big news ang biruan nila ng foreign correspond­ent. Aware si Pacquiao na hindi pa ito qualified para sa posisyon ng bise presidente dahil bagets pa siya.

I’m sure, magiging mai­ngat na si Manny sa pagsasalita sa media para hindi na maulit ang nangyari. Ito ang dahilan kaya umapela siya na huwag munang pag-usapan ang kanyang political plans dahil naka-focus ang atensiyon niya sa boksing.

Dindi Gallardo inilihim ang kasal

Nag-dinner kami sa Fisherman’s Wharf sa unang gabi namin sa Macau. Maganda at masaya ang kuwentuhan namin kaya hindi ko namalayan na alas-onse na pala ng gabi.

Ang dami-daming kuwento nina Willie Revillame at Boss Vic del Rosario pero kuwentuhan ’yon na personal at hindi for public consumption. Kung hindi pa nagyaya si Vehnee Saturno na malakas na ang hangin, hindi pa magkakayayaan ang grupo na bumalik sa aming­ suite rooms sa Venetian Hotel.

Kahapon ang second day namin sa Macau. Rumampa sa Hong Kong ang ibang mga staff members ng Wil Time Bigtime samantalang sleeping beauty ang drama ko. Hindi ako lumabas ng kuwarto dahil pinili ko na manood ng Fox News na paulit-ulit ang report tungkol sa anniversary ng 911.

Ay, nakatsikahan ko rin nga pala sa Facetime si Dindi Gallardo na bagong kasal. Nakakabilib talaga ang modern technology ha? Sino ang mag-aakala na puwede mo nang makausap ng libre ang mga tao na nasa malalayong lugar at different time zone?

Ipinakilala sa akin ni Dindi ang kanyang guwapong dyowa na Eric Mills ang pangalan. Gamit ang kanyang iPad, ipinakita sa akin ni Dindi ang sosyal na bahay nila sa New York kaya parang nakarating na rin ako sa kanilang love nest.

Magbabakasyon sina Dindi at Eric sa Bangkok, Thailand. May kasunduan kami na pupuntahan ko sila sa Thailand kapag natuloy ang honeymoon nila sa Bangkok.

Sa totoo lang, ang ganda-ganda ngayon ni Dindi. Obvious na maligaya siya sa kanyang buhay dahil may asawa siya na guwapo at mabait. Na­ging kaklase noon ni Dindi si Eric pero hindi sila nagkaroon ng relasyon. Sa kanilang muling pagkikita, niligawan na ni Eric si Dindi at napunta nga ito sa kanilang pagpapakasal.

Sinabi sa akin ni Dindi na inilihim nila ni Eric ang pagpapakasal para hindi ito mabulilyaso.

Happy ako para sa aking alaga dahil sa wakas, natagpuan na niya ang mhin na makakasama niya, forever and ever. At dahil happy ako for them, may-I-share ko sa inyo ang ilan sa kanilang wedding photos na kuha nang ikasal sila sa New York noong Sept. 7.

vuukle comment

DINDI

DINDI GALLARDO

ERIC MILLS

FOX NEWS

HONG KONG

JAKE JOSON

MACAU

NEW YORK

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with