^

PSN Showbiz

After 14 years Pilita Corrales gusto nang makipagbati kay Lotlot

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles -

Tinanggap ni Pilita Corrales na maging manghuhula sa Felina, Prinsesa ng mga Pusa  para maiba sa ginagawa niyang pagko-concert.

Sa first day taping pa lang, enjoy na ito dahil comedy at drama ang gagawin niya sa first fantaserye ng TV5 na may October airing at sa direction ni Argel Joseph.

Sa tanong kung sino ang mas magaling sa kanilang manghula ni Madam Auring, “mas maganda ako” ang sagot ni Ms. Pilita.

Hindi humingi ng cut-off sa taping si Ms. Pilita, pero ‘pag may recording siya kinabukasan, maaga siyang napa-pack-up.

Napag-usapan ang isyu sa kanila ni Lotlot de Leon at 14 years na pala silang hindi magkabati. Sabi ni Pilita, sana makapag-usap na sila at maayos na ang conflict nila dahil nami-miss niya ang Sunday lunches na buo ang pamilya niya.

“I would love sana na maayos kami before Christmas. Wala akong sama ng loob sa kanya, may nasabi lang siguro akong hindi maganda because I was hurt when she left Monching and the kids. Pero matagal na ‘yun and I told Janine (Gutierrez) to tell her mom that we should talk. Ang mga bata, gustong magkabati na kami ng mom nila. It’s about time we should be friends again. I would love to work with her, we used to do concerts before. Dapat maayos na ito and it depends on her, if gusto niya, I’m ready. Walang sorry, maganda ‘yung she can come to my house and I can come to her house, magiging happy ang mga bata,” pahayag ni Pilita.

Angelica hindi pa sure sa segunda...

Kahapon ang first shooting day nina Kris Aquino at Dingdong Dantes ng Segunda Mano, ang entry nila sa Metro Manila Film Festival. Hindi pa nga lang alam ng TV host-actress ang complete cast dahil kagagaling nito ng Bangkok last week para sa TVC shoot ng Pantene shampoo.

Hindi tuloy nakumpirma kung talagang kasama sa cast si Angelica Panganiban na gaganap na first wife ni Dingdong. Pati location ng first shooting day ay hindi batid ni Kris, basta magre-report na lang siya sa location ni direk Joyce Bernal.

Sa Wednesday, ang second day ng shooting at habol na habol pa ito sa MMFF.

Nadine binabantayan si Leandro sa taping

“Exclusively dating” ang pumalit sa MU o Mutual Understanding na ginagamit ng mga artista na ayaw pang aminin ang kanilang mga relasyon.

Talamak ang paggamit ng word na ito sa showbiz ngayon at ‘pag narinig, ibig sabihin, on na ang mga artistang nasa stage ng exclusively dating.

Kabilang sa nakikiuso sina Nadine Samonte at Leandro Mu?oz na “exclusively dating” pa lang daw, pero obvious na sila na.

Nagulat si Nadine nang maabutan ang press sa first taping day ng Felina, Prinsesa ng mga Pusa ang ka-ED niyang si Leandro last Sunday sa Ynares Gym sa Antipolo. May dala pang Starbucks ang aktres na pasalubong sa actor.

Nalaman naming noong Friday, si Leandro naman ang nagbantay sa taping ni Nadine ng Sa Ngalan ng Ina  sa Taal, Batangas. Hinintay nitong matapos ang aktres at ipinag-drive pa pauwi dahil wala itong driver up to now.

Si Nadine rin tiyak ang rason kung bakit nag-iba ang desisyon ni Leandro at gustong balikan full time ang showbiz at ang gustong dito mag-Pasko.

Alam na ng anak ni Leandro ang tungkol kay Nadine, kaya walang problema ang actor.

Paolo hindi ‘kumita’ sa binyag ng anak

“Kontrabidang pambata” ang tawag ni Paolo Contis sa role niya sa Futbolilits, masaya at naka­tutuwa raw ang taping nila dahil karamihan sa cast ay bata.

Extended hanggang second week ng October ang Futbolilits  at malulungkot si Paolo dahil wala na siyang maaasar at iinising mga bagets.

Natawa pala kami sa biro ni Paolo na hindi uma­bot sa quota niya ang nakaraang binyag ng second daughter nila ni Lian Paz. Ang sarap daw magkaroon ng mga anak na babae, pero ngayon pa lang, natatakot na siya paglaki ng mga anak.

vuukle comment

ANGELICA PANGANIBAN

ARGEL JOSEPH

DINGDONG DANTES

FELINA

FUTBOLILITS

LEANDRO

MS. PILITA

NADINE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with