^

PSN Showbiz

Sayang ang mga ipinaglaban nila, magandang aktres hiwalay na sa asawang nasa ibang bansa

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis -

Ayokong paniwalaan ang tsismis na hiwalay na ang isang magandang aktres sa kanyang asawa na nasa ibang bansa. Gusto kong isipin na walang katotohanan ang tsismis dahil sayang ang mga ipinaglaban nila kung magkakahiwalay rin sila.

Mabait, matalino, understanding, at nagmula sa disenteng pamilya ang mister ng aktres. Siya ang tipo na gagawin ang lahat para lumigaya ang kanyang misis. Nasa legal age na ang aktres nang magpakasal sa kanyang mister at anak na lang ang kulang para makumpleto ang kanilang happiness.

Tween stars walang pahinga

Walang pahinga ang bagets stars ng Tween Academy: Class of 2012 dahil araw-araw ang mga promo guestings nila. Masipag mag-promote ang tween stars ng GMA 7 dahil gusto nila na maging blockbuster ang kanilang pelikula na magbubukas sa mga sinehan sa Aug. 24.

Mamayang gabi na ang red carpet premiere ng Tween Academy. Ipalalabas sa dalawang sinehan ang pelikula para ma-accommodate ang mga tagahanga. Kung gusto ng mga fans na makita sa personal ang Tween Academy stars, go kayo sa Cinema 9 at Cinema 10 ng SM Megamall dahil dito ang venue ng premiere night.

Elmo sadyang hindi pinakanta?

May intriga na kumakalat na natalbugan nina Derrick Monasterio at Kris­toffer Martin si Elmo Magalona sa presscon ng Tween Academy sa venue ng SM Development Corporation noong Huwebes.

Hindi kasi kumanta si Elmo sa presscon samantalang todo-perform sina Derrick at Kristoffer. Ayokong paniwalaan na natalbugan ng dalawang bagets si Elmo dahil Elmo Magalona is Elmo Magalona.

Papayag ba si Pia Magalona na masapawan ang kanyang bagets na anak? Teka, bakit nga ba hindi pinakanta si Elmo eh maganda rin naman ang boses niya?

Paolo mangangarag sa binyag ng anak

Bukas ang binyag ni Xalene, ang second baby nina Paolo Contis at Lian Paz. Hindi ko puwedeng sabihin ang reception venue dahil ayoko nang maulit ang nangyari sa pabinyag noon ng mag-asawang Alfred at Yasmine Vargas. Nalaman ng mga gatecrashers ang lugar at isang table ang okupado nila sa Crowne Plaza Hotel.

Sure ako na ngarag si Paolo dahil lumipad siya sa Davao para sa Manny Many Prizes at kailangan niya na bumalik sa Maynila para sa binyag ng kanyang anak. Matagal nang nakaplano ang pabinyag nina Lian at Paolo at kailan lang nila nalaman na gagawin sa Davao City ang live telecast ng Manny Many Prizes.

Aleck parang aparador sa katabaan

Masyadong chubby si Aleck Bovick sa isang TV guesting niya. Kung seseryosohin ni Aleck ang pagpapapayat, makakabalik pa siya sa showbiz dahil may talent siya sa pag-arte.

Mataba man si Aleck, maganda pa rin ang kanyang mukha. Nagsimulang tumaba si Aleck nang isilang niya ang anak nila ni Carlo Maceda. Hindi rin naman nagtagal ang kanilang pagsasama dahil nauwi rin ito sa paghihiwalay.

Tonton ayaw ng pressure, tumanggi sa trabaho kahit malaki ang TF

 Kakaiba si Tonton Gutierrez sa ibang mga artista. Kung hot na hot na magbida sa mga teleserye ang mga artista, hindi si Tonton dahil mas gusto niya na gampanan ang mga supporting roles.

Kung sabagay, suporta ang role ni Tonton sa Minsan Lang Kita Iibigin pero bilib na bilib ang mga televiewers sa husay niya bilang Tomas.

Suporta rin ang role niya sa pelikulang Way Back Home na kasalukuyang palabas sa mga sinehan ngayon.

Si Tonton ang tao na ayaw ng pressure. Kuntento na siya sa simple pero komportable na pamumuhay. Naloloka ako sa kanya dahil tinatanggihan niya ang mga project na makaka-pressure sa kanya, kesehodang malaki ang talent fee. Naiintindihan ko ang prinsipyo ni Tonton na hindi na nangangarap na maging bida dahil napagdaanan na niya ito noong bagets pa siya.

vuukle comment

ALECK

DAHIL

ELMO

ELMO MAGALONA

MANNY MANY PRIZES

NIYA

TONTON

TWEEN ACADEMY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with