^

PSN Showbiz

Rachelle Ann idinenay ang pagiging desperado sa lalaki

- Veronica R. Samio -

Malaki ang hinanakit ni Rachelle Ann Go na pi­nag-iisipan siya ng hindi maganda ng tao sa ginagawang pagli-link sa kanila ni Cesar Montano. Iniisip niya kung dahil ba ito sa wala siyang karelasyon sa kasalukuyan kaya iniisip nilang sabik siya sa lalaki?

Sinabi ng magaling na singer na hindi siya ganun kadesperado na magkaroon ng kapalit agad si John Prats kung kaya kahit pamilyadong lalaki ay papatulan na niya.

“Pinalaki naman ako ng maayos ng magulang ko. At gusto ko lang ipaalala sa lahat na hindi sa akin nagsimula ang failure ng last relationship ko. Walang dahilan to fall in love on the rebound. Bata pa naman ako, darating din ang tamang lalaki para sa akin, walang dahilan para magmadali. Nakakahiya kay Cesar dahil nagpapaka-gentleman lang siya, kaya niya ako hinawakan para alalayan. Walang ibig sabihin ’yun,” paliwanag ng magaling na singer na nakasama si Cesar sa isang promo tour sa Canada para sa GMA Pinoy TV.

Lexi pinalaking independent ni Maritoni

Habang ang maraming magulang ay panay ang pagbibigay babala sa kanilang mga anak na iwasan nila ang mapa-trouble, itinuturo naman ni Maritoni Fernandez sa kanyang 17 taong gulang na anak na si Lexi Fernandez ang mga dapat nitong matutunan para makaiwas sa gulo at kung sakali mang masangkot ito o mapa-trouble ay alam nito ang kanyang gagawin.

“I’m proud to have raised Lexi na very independent. Hindi na niya ako iniistorbo although minsan ginising niya ako para magpasama dahil may presscon ang pelikula niyang Tween Academy Class of 2012.”

Sabi ng maganda pa ring ina: “Lexi is level headed. Madaling natuto hindi para makaiwas sa trouble kundi paano ito malulutas. Paano siya makakaiwas mapa-trouble kung hindi niya alam kung paano?”

vuukle comment

BATA

CESAR MONTANO

JOHN PRATS

LEXI

LEXI FERNANDEZ

MARITONI FERNANDEZ

PARA

RACHELLE ANN GO

TWEEN ACADEMY CLASS

WALANG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with