Asawa ni John lalaki ang kutob sa ipinagbubuntis
SEEN: Ngayong hapon ang send-off party ng Binibining Pilipinas Charities, Inc. para kay Bb. Pilipinas-Universe Shamcey Supsup.
Lilipad na si Shamcey sa Sao Paolo, Brazil dahil dito gaganapin ang Miss Universe sa Sept. 12.
SCENE: Ikinatuwa ng mga OFWs sa Bahrain ang test broadcast ng mga programa ng TV5.
Wala nang makakapigil sa TV5 International Channel sa Middle East.
SEEN: Ang announcement ni Nora Aunor sa presscon ng El Presidente na gagawin niya sa Regal Entertainment, Inc. ang Hototay.
Hindi pa alam ni Nora na mag-uusap muna ang management ng TV5 at ng Regal.
SCENE: Ang shooting kahapon sa Subic, Zambales ng cast ng My Neighbor’s Wife.
Mga bida ng pelikula sina Lovi Poe, Carla Abellana, Jake Cuenca, at Dennis Trillo.
SEEN: Malakas ang kutob ni Priscilla Meirelles na lalaki ang ipinagbubuntis niya at magiging panganay nila ni John Estrada.
SCENE: Ang Smart Araneta Coliseum ang venue ng 10th anniversary concert ni Toni Gonzaga sa Sept. 30. Ito ang biggest solo show ni Toni.
SEEN: Nag-enroll si Claudine Barretto sa acting workshop.
Naging busy si Claudine sa workshop noong panahon na natsitsismis na naka-confine siya sa rehabilitation center. Mali ang tsismis.
SCENE: “Kanz” ang pronunciation ni Gov. Jeorge Estregan sa Cannes Film Festival. “Kan” ang correct pronunciation sa sikat na filmfest ng Cannes, France.
- Latest