^

PSN Showbiz

Gary V. lalayas muna ng 'Pinas para mag-aral

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda -

Sa kauna-unahang pagkakataon ay nagka-trabaho sina Gary Valenciano at ang blockbuster movie director na si Direk Cathy Garcia Molina. Nag-shoot sila kamakailan ng music video para sa kantang Love Story, Where Do I Begin ni Mr. Pure Energy.

Tuwang-tuwa si Gary sa kanyang naranasan kay Direk Cathy. “My first time to work with Direk Cathy, exciting kasi movie director eh medyo iba ‘yung dating. Noong nagkuwentuhan kami, kung ano ang sinabi niya sa akin, ‘yun din ang nasa isip ko. The concept is basically about a requited love - that’s the story of the song. Talagang giving tribute to somebody you love with all your heart, kahit masaktan ka okay lang,” pahayag ni Gary.

Ngayon ay abala rin ang beteranong singer para sa kanyang bagong album mula sa Star Records. “Ang dahilan kaya kami gumagawa ng video, may ilalabas ang Star Records na isang album With Love Gary V, and it’s gonna be a compilation of some of my fave teleserye themesongs. Minsan Lang Kita Iibigin, Tayong Dalawa, Kung Tayo’y Magkakalayo, plus How Did You Know, all classics, including Sana Maulit Muli I think, will be part of it also,” kuwento pa ng singer.

Samantala, ngayong magta-tatlong dekada na si Gary sa industriya ay mayroon daw siyang mga planong gawin na iba naman. “May mga plano ako na umalis lang sandali - for a while to study abroad then come back and teach which is in music production. I really want to do this. That’s my effort in giving back to the industry that has given so much to me,” pagtatapos ni Gary.

Jake marami pang gustong tuklasin sa sarili bago uli makipag-date

Matagal-tagal na ring hindi napapanood si Jake Cuenca sa telebisyon. Walang proyekto sa kasalukuyan ang aktor kaya may mga bulung-bulungan na depressed daw ito ngayon. “Of course not, I’m gonna be leaving next month. Magti-taping na po kami ng bagong soap opera. More than anything, na-enjoy ko itong period na may pahinga. Na-enjoy ko talaga, sinulit ko na talaga, sinamahan ko na ang pamilya ko. Ang dami-daming magandang nangyayari sa buhay ko, there’s no reason to be depressed at all,” paglilinaw ni Jake.

Ayaw na rin daw magsalita ng binata tungkol sa naging hiwalayan nila ni Melissa Ricks at nanatili raw ang pagkakaibigan ng dalawa. “Meron na kaming pinag-usapan ni Mel na kung ano man ‘yung pinagdaanan namin, amin na lang ‘yun. We’re friends, we’re both moving on in life. Wala akong dine-date, marami pa akong kailangang tuklasin sa sarili ko bago ako makipag-relasyon ulit,” seryosong pahayag ni Jake. Reports from JAMES C. CANTOS

vuukle comment

CATHY GARCIA MOLINA

DIREK CATHY

GARY VALENCIANO

HOW DID YOU KNOW

JAKE CUENCA

KUNG TAYO

LOVE STORY

MELISSA RICKS

STAR RECORDS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with