^

PSN Showbiz

Phil hindi pa nakaka-first base kay Angel

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda -

Matapos mag-date sa isang firing range kamakailan sina Phil Young­husband at Angel Locsin ay napahanga raw talaga si Phil sa aktres dahil sa ilang katangian nito. “She’s probably one of the most beautiful people that I ever met. She’s so polite, so down to earth considering who she is, sobrang mabait siya,” nakangiting bungad ni Phil.

Ano na nga ba ang status nilang dalawa ngayon? “She is very busy so I have to find time to meet. We’re getting to know each other,” sagot ng football heartthrob.

Nagulat daw si Phil nang lumabas ang balitang pinagpustahan lang ng ilang miyembro ng kanilang team ang pagde-date nila ni Angel. “I was shocked because I don’t know where that story came from. I think the important thing that the people involved know the truth, Angel knows the truth,” paglilinaw pa ni Phil.

Inamin din ng binata na seryoso raw siya talaga kapag pumapasok sa isang relasyon. “When I’m in a relationship, I’d like to spend as much time together as possible and I’m loyal. I want to be sweet and I want to spoil the girl, and make her feel happy,” pagtatapos ni Phil.

Angeline Quinto pinapangarap makasama si Regine

Kamakailan ay nabanggit ni Regine Velasquez sa kanyang interview na nakikita raw niya ang sarili kay Angeline Quinto noong nagsisimula pa lamang siya.

Humanga rin si Regine sa talent ng first female superstar ng Star Power.

Sobra namang natuwa si Angeline nang malaman ang mga sinabi ng Asia’s Songbird. “Sobrang nagulat talaga ako, kung alam n’yo lang. Isipin n’yo po isang Asia’s songbird. Sobrang idolo ko si Ms. Regine bata pa lang ako. Siya talaga ‘yung pinapangarap kong makasama. Pinapangarap ko na makita ng personal. Nagulat ako talaga, lalo na noong sinabi niya na okay, na i-invite ko siya sa show ko kapag okay ‘yung schedule niya po. Isang malaking karangalan po sa akin iyon kasi kung sino ang iniidolo ko siya pa ‘yung nagbigay sa akin ng ganung salita,” nakangiting pahayag ni Angeline.

Coco Martin takot mabaril sa taping

Ngayon ay sobrang pag-iingat na ang ginagawa ng stars ng Minsan Lang Kita Iibigin sa kanilang taping matapos aksidenteng mabaril ni Martin Del Rosario si Andi Eigenmann noong isang linggo.

Doble-ingat na raw ang isa sa mga bida ng serye na si Coco Martin. “Trabaho mo ito, minsan risky talaga pero sabi ko nga, dapat ikaw na mismo ang magmahal sa sarili mo. Ayoko na ulit maulit iyon, I’m sure pinag-meeting-an na ng production iyan para maiwasan ‘yang mga ganyang pangyayari, para sa proteksiyon na rin naming mga artista at ‘yung mga ka-trabaho namin dito,” maikling pahayag ni Coco.

Reports from JAMES C. CANTOS

vuukle comment

ANDI EIGENMANN

ANGEL LOCSIN

ANGELINE QUINTO

COCO MARTIN

MARTIN DEL ROSARIO

MINSAN LANG KITA IIBIGIN

MS. REGINE

NAGULAT

PHIL YOUNG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with