^

PSN Showbiz

Kabayan mag-iikot sa dadaanan ng lindol

- TV UPDATE -

MANILA, Philippines - Nagdala ng matinding takot sa buong mundo ang mapinsalang lindol na yumanig sa mga bansang New Zealand at Japan. At dahil sa malaking posibilidad na mangyari rin ito sa Pilipinas, pinag-uusapan ngayon ang kahandaan ng bansa sa banta ng isang killer earthquake.

Ngayong Huwebes (Mar 24) sa Krusada, walang iba kundi si Noli “Kabayan” de Castro ang mangunguna sa paghahanda sa mga Pilipino sa lindol. Samahan siya sa himpapawid sa kaniyang pag-ikot sa mga danger zone o mga lugar na dina­daanan ng fault line.

Bubusisiin din niya ang mga lumang gusali at pampublikong imprastraktura na nanganganib masira ng lindol. Alamin kay Kabayan kung anu-ano ang maaa­ring gawing paghahanda ng bawat Pilipino sa kaniyang pakikipanayam sa mga pinuno ng PHIVOLCS (Philippine Institute of Volcanology and Seismology), DPWH (Department of Public Works and Highways) at NDCC (National Disaster Coordinating Council).

Tinatayang 75 katao ang nasawi at 300 naman ang nawawala matapos ang lindol sa Christchurch, New Zealand noong Pebrero. Sa Japan naman, lalo pang dumarami ang mga biktima ng lindol at nang rumagasang tsunami na sumalanta sa hilagang sila­ngang bahagi nang nasabing bansa.

Minsan na ring tinamaan ang Pilipinas ng matinding lindol noong 1990 at malaki rin ang dala nitong pinsala. Nakapaghanda na nga ba ang mga Pilipino pagkatapos ng mga pangyayari?

Tara, makinig at makiisa para naman hindi tayo magsisi sa bandang huli.

Walang masamang maghanda, samahan pa natin ng dasal, mas lalong epektibo.

Mapapanood ang Krusada pagkatapos ng Bandila sa ABS-CBN

GMA New Media, Top Gear Philippines at BMW magkakasangga sa Augmented Reality Projects

Kamakailan ay nagsanib-puwersa ang GMA New Media Inc. (GMA NMI), Top Gear Philippines at BMW para sa interactive launch ng bagong BMW X3.

Sa pamamagitan ng wonders ng Augmented Reality (AR), tampok ang versatility ng BMW X3 sa 3D sa Top Gear Philippines March 2011 issue. Kasama sa two-page spread ang marker na magti-trigger ng AR experience sa microsite www.bmw.com.ph/X3ar (http://www.bmw.com.ph/X3ar) at maari ring maranasan ng mga mambabasang magmaneho ng sasakyan.

Dahil sa augmented realities, mabibigyan ng real-world elements ang digital information, tulad ng text, images, at videos. Pangungunahan ng GMA NMI, isang multimedia technology solutions company, ang paggamit ng technologies sa Pilipinas. 

Ani Dingdong Caharian, GMA NMI Senior Vice President, “AR is not just a better way of seeing the brand. Its main objective is to allow the consumer to experience the product without the actual product being there.”

Sabik din ang BMW sa creative possibilities ng AR sa marketing initiatives. Na-commission ng local distributor nito ang GMA NMI na mag-produce ng series ng advertising campaigns gamit ang AR at 3D technology.

“It’s a simple yet ingenious concept that engages the consumer and effectively translates our brand using state-of-the-art 3D technology. You can experience this for yourself,” dagdag ni Parco.

Nailunsad na ng GMA NMI ang AR editorial spread para sa Preview. Sa interactive video, nakapag-present si actress Solenn Heussaff ng kanyang mga outfit na likha sa four fashion cities. 

Mga sakit sa tag-init diskubrihin

Tag-init na talaga sa kapaligiran.

Ramdam na ramdam na ito ng buong bayan. Kaya naman isang summer din ang tatalakayin sa Life and Style with Gandang Ricky Reyes nga­yong Sabado, alas-onse ng umaga.

Ano ba ang mga sakit sa balat tuwing tag-init?

Pati na ang mga nakakasira ng ating buhok. Nag-imbita si Mader Ricky ng mga resource persons na magbibigay ng mga payo sa ere.

Dadalhin din kayo ng LSWGRR sa mga lugar dito sa Maynila kung saan maaaring mag-biking, wall climbing at hiking para ‘di na kayo dumayo sa ibang malalayong lugar.

Dahil mainit, kailangan natin ang pampalamig. Ituturo ni Mader kung saang mga lugar mabibili ang ice cream na iba-iba ang flavors, ice cream yoghurt, halo-halo, mais con hielo at saba con hielo na masarap na’y mura pa.

Magbibigay naman ng tip ang dalawang inimbitahang dermatologist kung paano tayo mananati­lingmaganda at laging mukhang-bata. At ang ipapayo nila’y tamang pagkain, tamang ehersisyo at mga gawaing ‘di nakaka-stress.

Bumabalik ang segment na Great Hair Day at ang ime-make over ay isang modelong naghahandang dumalo sa isang summer party. Bibihisan siya ni Mader at aayusan ng tamang make-up at hair style. Pati na mga tamang accessories na babagay sa okasyong dadaluhan ay ilalagay dito.  

Watch tayo nito para maging handa tayo sa summer.

Remember dapat lagi tayong maganda para hindi iniisnab-isnab.

vuukle comment

AUGMENTED REALITY

AUGMENTED REALITY PROJECTS

BMW

DAHIL

NEW ZEALAND

PILIPINAS

PILIPINO

TOP GEAR PHILIPPINES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with