^

PSN Showbiz

Kahit beauty queen Bianca Manalo hindi habulin ng lalaki

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda -

Noong Biyernes ay nagtapos na ang pinaka-masustansiyang teleserye, ang Juanita Banana. Nalulungkot si Bianca Manalo sa pagtatapos ng kanyang programa dahil ito ang nag-launch sa kanya bilang bida sa isang project. “Nakakalungkot kasi parang kailan lang ‘yun na nag-shoot kami para sa promo ng Juanita, tapos ngayon ay tapos na. Kinuha na nila ‘yung saging ko. Sobrang alam ko, ito pinaka-stepping stone ng career ko. Sobrang hindi ko ini-expect na ganun nila tatanggapin ang Juanita Banana,” emosyonal na pahayag ni Bianca.

Mami-miss daw ng beauty queen turned actress ang mga kasamahan niya sa programa na todo-suporta sa kanya sa tuwing mayroon siyang kinakaharap na mga kontrobersiya. “Maraming-marami rin po akong tsismis na kesyo masama ang ugali ko, maldita, malaki ang ulo, sila mismo ang nagre-react sobrang nakakatuwa kasi sila ang nagre-react. ‘Yung crew, Ma’am Biancs, huwag kang mag-alala, kapag may kumalat na ganyan kami mismo ang magsasalita para sabihin na hindi totoo ‘yun kaya nakakatuwa. Isang pamilya kami rito,” kuwento pa ni Bianca.

Samantala, Maraming lalaki na rin ang na-link sa dalaga katulad nina James Yap, Zanjoe Marudo, Enchong Dee, at ngayon naman ay ang kasamahan niya sa Happy Yipee Yehey na si Sam Milby.

Aminado ang aktres na hanggang ngayon daw ay wala pa rin siyang boyfriend o love life, wala raw kasing nanliligaw sa kanya. Accepted kaya ng dalaga na walang nanliligaw sa kanya kahit maganda, sexy at talented siya? “Di ko tanggap, wala eh. Kung Meron eh di meron, nandiyan lang ‘yan. Kahit nga kilig-kilig wala eh. Darating din ‘yan, kapag meron, isisigaw ko sa inyong lahat na may boyfriend na ako,” natatawang sagot ng aktres.

SCQ Grand kiddie superstars, kinilala na

Kagabi ay naging espesyal ang grand finals ng Star Circle Quest For The Next Kiddie Superstars na ginanap sa Dolphy Theater ng ABS-CBN.

Matapos magtagisan ng galing at talino ang magic circle of six na sina Maurice, Brenna, Veyda, Clarence, Kristoff, at Jelo ay itinanghal na ang pinakamahusay at pinakagigiliwan ng mga manonood sa kanilang anim.

Ang Little Mr. Funny Guy na si Clarence at ang Dancing Darling na si Brenna ang nanalo bilang grand boy and girl superstars sa nasabing talent search

Napakasuwerte ng dalawang bata dahil bukod sa P400,000 cash na napanalunan ng bawat isa ay mayroon na rin silang college scholarship worth P250,000, instant apparel endorsement worth P100,000 at magiging pinaka­bagong kapamilya stars ng Star Magic.

Siguradong sisikat sina Clarence at Brenna katulad nina Zaijian Jaranilla at Xyriel Manabat dahil sobrang talented ng dalawa. Reports from JAMES C. CANTOS

vuukle comment

BIANCA

BIANCA MANALO

BRENNA

DANCING DARLING

DOLPHY THEATER

ENCHONG DEE

HAPPY YIPEE YEHEY

JAMES YAP

JUANITA BANANA

KUNG MERON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with