^

PSN Showbiz

ABS-CBN, panalo sa TV ratings sa 2010

- TV UPDATE -

Naging maningning ang Pasko ng ABS-CBN matapos bumira ang Primetime Bida sa national TV ratings noong Disyembre sa average audience share na 41%.

Sa pangkalahatan, ABS-CBN din ang pinakapinanood ng sambayanan sa taong 2010 matapos magtala ng average audience share na 43% ang Kapamilya network kumpara sa 33% ng GMA 7.

Hinakot nito ang 18 sa top 20 programs ng nakaraang taon.

Una sa listahan ang May Bukas Pa na siyang nagpasikat sa sought after child wonder na si Zaijian Jaranilla, sa average rating na 38.6%. Sinundan ito ng santaserye na Agua Bendita (37.9%) at nationwide talent-reality show na Pilipinas Got Talent (35.3%).

Tumatak din ang Emmy-nominated series na Dahil May Isang Ikaw (34.8%) at pagbabalik teleserye ni Kris Aquino at Gabby Concepcion sa Kung Tayo’y Magkakalayo (34.3%) na nakuha ang ikaapat at ikalimang puwesto.

Sa larangan ng pagbabalita, namayagpag sa taong 2010 ang TV Patrol na pumalo sa average rating na 31.2% at nakuha ang ikapitong puwesto.

Kasama rin sa top 20 programs sa taong 2010 ang Noah (32%), Katorse (30.3%), Agimat Presents Pepeng Agimat (29.9%), Habang May Buhay (28.7%), Pinoy Big Brother Double Up (28.5%), Maalaala Mo Kaya (28.3%), Imortal (28.2%), Mara Clara (27.8%), Agimat Presents Tonyong Bayawak (26.8%), The Singing Bee (26.5%), Rated K (25.6%), at Agimat Presents Elias Paniki (25.5%).

Panalo rin ang ABS-CBN noong Disyembre sa buong bansa sa national audience share na 37% laban sa Kapuso Network na pumalo lang ng 32%.

Ang Kantar Media/TNS ang naghahatid ng audience research measurement systems sa 32 bansa.

American Idol simula na sa JANUARY 20

Mararamdaman na naman ang IDOL fever ngayong 2011 dahil simula January 20 ay mapapanood na sa Q Channel 11 ang pinakaaabangan at pinag-uusapang American Idol – ang pinakamalaking talent search sa buong mundo – na ngayon ay nasa Season 10 na!

Mas pinainit ang kompetisyon sa AI Season 10 dahil mga bagong pakulo at bagong mukha ang sasalubong sa lahat simula January 20 at 21 (Huwebes at Biyernes) sa two-part premiere ng programa sa Q Channel 11.

Dalawa sa mga bagong mukha sa pagsisimula ng Season 10 ay sina actress, movie producer, at pla­tinum-selling recording artist na si Jennifer Lopez at ang Grammy Award-winning singer, songwriter at rock icon na si Steven Tyler na uupo bilang mga bagong judge. Makakasama nila ang resident judge ng programa na si Randy Jackson at ang IDOL host na si Ryan Seacrest.

Angel aaminin ang naging relasyon sa powerful personality

Unang pasabog ng The Bottomline with Boy Abunda ngayong 2011 ang TV host actress na si Angel Aquino na may mga pakakawalang rebelasyon tungkol sa kanyang buhay sa kauna-unahang pagkakataon!

Babalikan nina Boy at Angel ang kuwento ng kanyang buhay, lalo na nung nagsisimula pa lamang ito bilang artista. Pag-uusapan din ang paghihirap ng kanyang ina para mapalaki silang magkakapatid, ang pagkakaroon niya ng anak sa murang edad, ang kanilang pagiging “other family” at ang pagsisikap niyang makatapos ng pag-aaral.

Paano nga ba na-discover si Angel Aquino? Ano ang maituturing niyang biggest break sa showbiz?

Mula sa kuwentong pamilya, tatakbo ang usapan sa kanyang karera sa showbiz. Tatalakayin ni Boy ang mga pinagdaanan ni Angel para marating ang kanyang estado ngayon bilang isa sa mga pinakamagandang mukha ng showbiz. At ang matinding pasabog ni Angel, ang pagkaka-involve niya sa isang powerful na personalidad. Isang karanasan na ikukuwento ni Angel ng buong puso, buong tapang at buong katapatan.

Makikipag-balitaktakan din si Boy sa anak ni Angel na si Iana na kasama sa mga Bottomliners. Very vocal si Iana sa pagsasabing hindi siya boto sa relasyong Angel Aquino at ng boyfriend nitong si Lui Villaruz. Matapang din itong hinarap ni Angel at sinagot punto per punto. 

vuukle comment

AGIMAT PRESENTS ELIAS PANIKI

AGIMAT PRESENTS PEPENG AGIMAT

AGIMAT PRESENTS TONYONG BAYAWAK

AGUA BENDITA

AMERICAN IDOL

ANGEL

ANGEL AQUINO

BOY ABUNDA

DAHIL MAY ISANG IKAW

Q CHANNEL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with