^

PSN Showbiz

Isang linggong ia-isolate, Kris, Josh at Baby James nadale ng foot and mouth disease

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles -

Ibinalita ni Kris Aquino sa kanyang Twitter account na pare-pareho silang may sakit ng mga anak na sina Joshua at Baby James.

Sa unang tweet, sabi ni Kris, “We r all sick. Josh caught foot and mouth disease. Nahawaan si Bimby & me. I don’t have the sores around the mouth or the rashes sa hands & feet but my fever went up to 40 last night. We r all taking Zoverax & Immunosin. Ang tibay nina Yaya A, Gerbel & Baby, ‘di sila nahawa. You know me, lapitin ako ng sakit.”

Next tweet nito ay “Naka-isolate for at least one week. Bimby & I r in 1 room since we still both have fever-kuya’s in his room because he’s pagaling na. If we have contact with him baka mabinat siya. Last night grabe-they iced na my feet & head bec. Fever was 40. We’re not allowed to leave our condo ‘til next weekend.”

Anak ni Eula panay ang buntot kay Rocky

Sinamahan ng BF niyang si Rocky Salumbides si Eula Valdez sa presscon ng Koreana at matiyaga nitong hinintay ang GF hanggang natapos itong interbyuhin ng press. Two years na ang relasyon ng dalawa at tsika ni Eula, very close ang mga anak niyang sina Miguel (anak niya kay Ronnie Quizon) at Juliana o Yana (anak niya kay Richard Litonjua) sa BF, lalo na ang huli na laging nakabuntot dito.

Balik-kontrabida si Eula sa afternoon soap at wish nitong hindi siya saktan lalo na ng fans ni Kris Bernal na pahihirapan niya rito. Payo nito kay Kris, mag-praktis nang pag-aralang iwasan ang kanyang mga sampal. Ouch! 

Vice Ganda nakipag-ayos kay Chairman Laguardia

Mabuti at nakinig si Vice Ganda sa payo nang naka­rarami na ‘wag niyang awayin at paringgan sa Showtime si MTRCB Chairman Marissa Laguardia dahil hindi magandang tingnan at siya ang mas na­pupulaan.                                                                                                   

Kahapon, na post ni Vice Ganda sa Twitter ang “Just talked to Chairman Laguardia & settled the issue. We’re good now all in the spirit of Love & Peace!”

Siguro inimbita ni Vice Ganda si MTRCB Chair sa premiere ng Petrang Kabayo sa Sunday, October 10 sa SM Megamall. Sa Oct. 13 na ang regular show­ing ng Viva Films movie.

Pasasalamat

Bilang pasasalamat sa suporta ng viewers na ka­ ra­mihan ay mga bagets sa Reel Love pre­sents… Tween Hearts, bibisita ang nine Kapuso Tweenstars na cast ng youth-oriented rom-com series sa Krus na Ligas High School, 6:00 a.m., at 9:00 am., sa Com­monwealth High School.

Cheek ng aktres biglang umumbok

Masyadong bothered ang kaibigan naming repor­ter sa cheek ng isang aktres na kasama sa cast ng Ko­reana at paulit-ulit na itinuro sa amin. Sana raw may magkalakas ng loob na magtanong dito kung ba­kit umumbok ang pisngi niya at gustong malaman ng reporter kung dahil lang sa make-up ‘yun o pinalaki ng aktres.

Kaso, hanggang natapos ang presscon, walang nagtanong sa aktres at nahiya na rin ang reporter na alamin dito ang kakaibang shape ng pisngi. Hindi rin kami nagkaroon ng chance na ma-interview ang ak­tres at matanong sa misteryosong pisngi!

vuukle comment

AMP

BABY JAMES

BIMBY

CHAIRMAN LAGUARDIA

EULA

EULA VALDEZ

SHY

VICE GANDA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with