^

PSN Showbiz

Appendix pumutok, anak ni Robin nag-50-50 ang buhay

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis -

Loaded na loaded kahapon ang Startalk dahil sa mga exclusive interview namin kina Liezel Si­cangco, Krista Ranillo at Michelle Van Eimeren.

Nagkaroon ako ng hinala na nagbabasa si Liezel ng PSN online dahil sa kanyang matunog na mes­sage para sa ex-husband niya na si Robin Padilla.

“Be man enough” ang message ko para kay James Yap dahil hindi nito in-acknowledge ang kan­yang panganay na anak nang tanggapin niya ang Most Valuable Player award.

Tinalbugan ako ni Liezel dahil malutong na “Mag­­pa­kalalake ka!” ang message niya kay Robin.

Ang sey ni Liezel, hindi na sila nag-uusap ni Robin at inamin niya na may iba na siyang asawa.

Ang makuha ang custody ng kanilang bunsong anak na si Ali ang priority ni Leizel dahil napa­pa­bayaan daw ni Robin ang bagets.

Miss na miss na ni Liezel si Ali. Worried siya sa kalagayan ng anak na madalas daw na umiiyak kapag nagkakausap sila sa telepono. Gustung-gus­to na raw ni Ali na bumalik sa Australia pero ayaw pumayag ni Robin.

Awang-awa si Liezel kay Ali na ten years old pa lamang at very scared daw sa kanyang ama.

Marami ang naloka sa kuwento ni Liezel na nag-50-50 ang buhay ni Ali dahil pumutok ang appendix nito pero hindi nagsasalita ang bagets. Natakot daw si Ali na sabihin ang nararamdaman dahil sa turo ni Robin na hindi nasasaktan ang isang tunay na lalake.

* * *

Nilinaw ni Liezel sa Startalk na hindi totoo na loser o bitter siya, gaya nang ibinibintang ng ibang tao dahil binigyan ni Robin ng engagement ring na nagkaka­halaga ng P1.2 million ang kanyang girlfriend na si Mariel Rodriguez.

Ang sey ni Liezel, hindi siya loser. Hindi raw loser ang tawag sa isang ina na gustong makita na nag-aaral ang kanyang bunsong anak dahil ilang araw nang hindi pumapasok sa school si Ali.

Lalong hindi bitter si Liezel sa engagement ring na natanggap ni Mariel dahil nabigyan din siya noon ni Robin ng singsing pero hindi milyong piso ang halaga.

Naniniwala ako na hindi nagseselos si Liezel kay Mariel. Happily-married na siya kaya walang dahilan para pagselosan niya ang mga babae na nali-link kay Robin. Kung love pa rin ni Liezel si Robin, hindi sana siya nagpakasal sa ibang mhin.

* * *

Tiyak na makakarating kay Robin ang mga siney-sey ni Liezel sa Startalk pero hindi sure kung sasagutin niya ang mga akusasyon ng kanyang dating misis.

Isang buwan na mag-aayuno si Robin dahil sa Ramadan. Right now, ang pag-aayuno ang kanyang priority, hindi ang pagsagot sa mga naka­kalokang rebelasyon ni Liezel.

* * *

Kung si Leizel ang tatanungin at masusunod, gus­­tung-gusto niyang umuwi ng Pilipinas at sun­duin si Ali.

Pero hindi raw ganun kadaling kunin ang kan­yang anak dahil maraming papeles ang dapat ayu­sin. Kailangan ng permiso ni Robin para madala ni Liezel sa Gold Coast, Australia ang kanilang bunso.

Apat ang mga anak nina Robin at Liezel, tatlong ba­bae at isang lalake. Nasa poder ni Leizel ang isang anak na babae nila ni Robin na gustong ma­katapos ng pag-aaral sa Australia.

Nasa legal age na sina Queenie at Kylie. Nag-aartista na sila kaya si Ali ang ipinaglalaban ni Liezel na mabawi mula kay Robin.

vuukle comment

ALI

ANAK

DAHIL

GOLD COAST

LEIZEL

LIEZEL

ROBIN

SHY

STARTALK

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with