^

PSN Showbiz

Jinggoy gagawa ng sulat kay P-Noy

- Veronica R. Samio -

Nabigyan ng panibagong pag-asa ang sising­hap-singhap na industriya ng pelikulang Pilipino sa pag-upo ng bagong halal na Presidente Noy­noy Aquino na pina­niniwalaang may espesyal na lugar sa kanyang puso ang industriya na kung saan ay nabi­bilang din ang bunsong kapatid na si Kris Aquino.

Pero sa halip, ang senador na si Jinggoy Es­­tra­­da ang napisil nang pinagsanib na puwersa ng Nagkakaisang Manggagawa ng Pelikulang Pi­li­pino (NMPP) at ng Directors Guild of the Phi­­lippines, Inc. (DGPI) para maging tulay ng mga taga-industriya sa Malacañang.

Gagawa si Sen. Jinggoy ng sulat sa bagong pa­­­ngulo tungkol sa concern ng mga taga-indus­tri­ya. May tatlong malaking kahilingan sila dito na ina­asa­han nilang bibigyang pansin nito. Tulad sa pag­tatatag ng isang Natio­nal Film Com­mis­sion na meron na ang lahat ng bansa sa mundo maski na ang mga third coun­try na katulad natin, pero tayo ay wala pa, na siyang ma­nga­ngasiwa ng pagbebenta ng ating mga pelikula sa ibang bansa.

Pangangasiwaan din ng na­sabing komisyon ang pag­da­raos ng mga Filipi­no film fes­tivals sa lahat ng embahada ng Pi­li­­pi­nas sa ibang ban­sa. Kung dito sa atin ay nag­daraos ng mga French, German, Korean, Ja­­pa­nese, at iba pang inter­na­tio­nal filmfests, walang dahilan para hindi rin magdaos ng Filipino filmfest ang mga embahada natin sa maraming bansa sa mundo. Gagawa rin ito ng audience develop­ment program para maka­agapay ang tao sa pag-unlad ng pelikula. Naniniwala ang mga taga-pe­likula na walang sufficient representation ang in­dustriya sa Malacañang.

Nangako ng tulong si Jinggoy na nakipag-meeting nung Sabado ng gabi sa mga taga-indus­triya. Isinabay na rin sa okasyon ang pakikipag­diwang nila sa muling panalo nito bilang senador.

Hi­hi­lingin din ng mga taga-industriya sa bagong pangulo na ibalik nito sa mga taga-pelikula ang pangangasiwa ng Metro Manila Film Festival (MMFF) at kung maaari ay gawin ito ng dalawang beses para mabigyang puwang din ang mga ginagawang digital films na nagbibigay ng karangalan sa bansa sa mga sinasalihan nitong filmfest sa abroad.

May mga rekomendasyon din ang NMPP at DGPI na mga tao na karapat-dapat magpatakbo ng mga ahensiya sa gobyerno na may kinalaman sa industriya ng pelikula.

vuukle comment

DIRECTORS GUILD OF THE PHI

FILM COM

GAGAWA

JINGGOY

JINGGOY ES

KRIS AQUINO

MALACA

METRO MANILA FILM FESTIVAL

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with