Half men magpapatawa!
MANILA, Philippines - Sumilip sa masalimuot na buhay ng Harper Family sa isang nakaka-pamilipit sa katatawanang comedy show na Two And A Half Men sa Solartv.
Welcome sa Two and a Half Men, isang nakaka-touch ngunit nakatutuwang kuwento tungkol sa isang dysfunctional na pamilya, ang mga Harper.
Ang mga pangunahing karakter at bida sa show ay ang mga kapwa guwapo at simpatikong sina Charlie Sheen at Jon Cryer. Si Sheen ay si Charlie, isang swinging bachelor na walang inatupag kundi makipag-party at makipag-date sa iba’t ibang babae.
Si Jon Cryer naman ay si Alan, ang straight na kapatid ni Charlie na nawasak ang buhay matapos makipaghiwalay sa kanyang asawa. At naiwan sa kanyang custody ang kanyang batang anak na si Jake (Angus T. Jones), na maligayang-maligaya na sa kanyang buhay kapag may juice box sa isang kamay at TV remote sa kabila.
Mapapatigil ang buhay-binata at happy go lucky style ni Charlie pagdating sa buhay ng kanyang kapatid at ng kanyang 10-year-old nephew at makitira sa kanyang beach-front house.
Lalong naging nagulo ang kanyang buhay sa pakikisalamuha kina Judith (Marin Hinkle), ang may sayad na ex-wife ni Alan, Evelyn (Holland Taylor) ang overbearing mom nina Charlie at Alan, Berta (Conchata Ferrell) ang madaldal nilang housekeeper at Rose (Melanie Lynskey), isang napakagaling magpaikot at may pagka-weirdo na kapitbahay na ex-girlfriend naman ni Charlie.
Ang Two and a Half Men ay patuloy na magpapatawa sa marami at iba’t ibang mga sitwasyong talaga namang magpapasakit sa inyong mga tiyan sa Solartv.
- Latest





















