^

PSN Showbiz

Dennis ayaw nang ma-link sa iba

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis -

Halata ang kaba ni Dennis Trillo nang su­ma­lang siya kahapon sa Startalk. Ang alam ni Dennis, silang dalawa ni Carla Abellana ang iin­terbyuhin ni Joey de Leon dahil ipo-promote nila ang Love Bug.

Hindi inaasahan ni Dennis na solo interview ang mangyayari at mapag-uusapan ang kan­yang lovelife. Nasagot naman ni Dennis nang ma­ayos ang mga tanong ni Joey pero marami ang nakapansin na hindi siya komportable.

Dala na rin siguro ng nerbiyos, nakapag-dia­logue si Dennis ng ayaw na niyang ma-link kung kani-kanino. Si Jennylyn Mercado ang current inspiration ni Dennis. Nagsimula ang love affair nila sa set ng Gumapang Ka Sa Lusak na ma­la­pit nang magtapos pero nagsalita si Dennis na hindi matatapos sa teleserye ang magan­dang friendship nila ni Jennylyn.

* * *

Ang Love Bug ang bagong show ng GMA 7 at ito ang kasunod ng Party Pilipinas. Sina Carla at Dennis ang mga bida sa episode na may title na The Last Romance.

Isang babae na may sakit ang role ni Carla na nagkaroon ng bagong sigla ang buhay nang makilala niya si Dennis sa cruise ship.

* * *

Na-shock ako nang makita ko si Mojo Jojo Javier, ang co-host ni Mo Twister sa radio program nito.

Pumayat nang husto si Mojo Jojo kaya hindi ko siya nakilala nang magkita kami sa contract signing niya sa Flawless noong Huwebes.

Nagkaroon tuloy ako ng hope na pumayat dahil kung nagawa ni Mojo Jojo na magbawas ng timbang, makakaya ko rin.

Ang sey ni Mojo Jojo, proper diet ang kan­yang sikreto at siyempre, sa tulong na rin ng Flaw­less. Si Mojo Jojo ang pinakabagong en­dor­ser ng Flawless at nakabalandra sa Gua­dalupe bridge ang kanyang giant billboard.

* * *

Hindi ko puwedeng ikuwento ang nangyari sa closed door meeting nina Pauleen Luna at Max­ene Magalona noong Martes dahil na­nga­ko kami na confidential ‘yon.

Ang importante, nagkausap na ang dalawa at tuloy ang taping nila para sa Bakit Kay Tagal ng Sandali?

Sa guesting kahapon ni Pia Magalona, pinabulaanan nito ang balita na gusto niyang ipatanggal sa cast ng show si Pauleen.

Hindi rin daw totoo na ipinatsugi niya sa show si JC Tiuseco. Ang katuwiran ni Pia, nagtambal na sina Maxene at JC sa dalawang teleserye ka­ya binigyan ng bagong leading man ang kan­yang anak at ito nga ay si Mike Tan.

* * *

Isang bagay ang napatunayan ko tungkol kay Pia. Mababa ang kanyang luha dahil napaiyak siya sa meeting namin.

Inamin naman ni Pia sa Startalk na napaluha siya dahil nabanggit sa meeting ang pangalan ni Francis Magalona.

vuukle comment

ANG LOVE BUG

BAKIT KAY TAGAL

CARLA ABELLANA

DENNIS

DENNIS TRILLO

FRANCIS MAGALONA

GUMAPANG KA SA LUSAK

MOJO JOJO

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with