^

PSN Showbiz

Jojo Acuin namatay na!

-

MANILA, Philippines - Namatay na pala ang manghuhulang si Jose Maria Villanueva Acuin, mas kilala bilang Jojo Acuin. Ayon sa report, pumanaw siya ganap na 11:25 ng umaga sa Philippine Heart Center last Thursday sa edad na 63.

Car­diac arrest ang dahilan ng kanyang pagpanaw na nauna na raw nalamang may diabetes na nadiskubre noong nakaraang taon.

Ang kanyang katawan ay nakahimlay sa San Pablo City.

Nakilala si Acuin lalo na sa showbiz dahil sa mga makatotohanang hula.

* * *

“Di kami nang-aaway ng ibang kandidato. Maganda yung intention mo, tutulong ka sa sambayanan tapos mangaaway ka, ‘di magandang halimbawa. Magkaibigan naman lahat, wala naman ibang magdedesisyon kundi tao.” Ito naman agad ang sagot ni Manny Pacquiao sa TV Patrol kagabi sa tweet ni Ms. Kris Aquino sa kanyang patutsada kay Sen. Noynoy Aquino. (additional story sa page 10). Ang saya-saya ng pulitika.

* * *

Doble ang selebrasyon para sa League of Intrigues na binubuo ng pinagsanib-puwersa ng undisputed showbiz authority, Startalk at Intriga Capital of the Philippines, Showbiz Central. Tunay na bida ang dalawa sa hapon dahil sa mataas na ratings at papuri.

Ayon sa data ng AGB Nielsen sa viewer-rich Mega Manila house­holds noong April 24 at 25, nakapagtala ang Startalk TX ng average audience share na 11.2%.

Wagi rin ang Showbiz Central na nakakuha ng 9.1%.  

Kung sabagay, hindi lang basta nanatili ang Startalk ng 14 taon sa ere kundi patuloy ito sa paglago. Bukod sa pagbalita ng pinaka­mai­nit na showbiz scoops, malayang nabubuhos ng mga hosts ang kanilang buong talento at kaabang-abang na mga komento.

Hanga ang mga manonood kung paano nahahatid ng Philippine Star entertainment editor na si Tito Ricky Lo ang mga exclusive inter­views mula sa parehong top local at international celebrities.

Bilib din ang mga manonood sa film critic na si Butch Francisco sa kakayahan nitong mapadpad sa kahit saan mang sulok para lang malinaw nilang makita at madama ang mga lugar na tinahak ng artistang sangkot sa isyu ng linggo.

Aliw na aliw naman sila sa mga jokes ng entertainment guru na si Joey De Leon lalo na kung ang mga ito’y binabato o pinan­la­lambing kay Manay Lolit. Ang kanyang mga biro kaakibat ng mala­lim na paghimay sa isyu ang dahilan kung bakit siya napa­pamahal sa lahat.

At siyempre, kasama ang kaisa-isang babae sa matatag na showbiz team – ang top showbiz manager at entertainment columnist na si Manay Lolit Solis. Madalas man ikagulat ng lahat ang kanyang mga opinyon, labis naman itong kinatutuwa ng mano­nood dahil siguradong ang mga hirit nito’y mula sa puso. Ricky Lo, Butch Francisco, Joey De Leon, at Lolit Solis—ang Fab Four, matagumpay sa kani-kanilang mga career at respetado sa mundo ng showbiz. Hindi na kagulat-gulat na pag sila’y nagsalita, lahat na­kikinig.

At ngayong nag-level up ang Startalk sa Startalk TX, ang Fab Four at ang buong team ay Three Times agresibo sa paghatid ng pi­na­kamainit na showbiz news, Three Times matapang sa pagbabato ng opinyon, at Three Times handa sa paghatid ng saya!

Sa Showbiz Central, ang mga manonood na dati’y nakikinig lang, ngayon ay nangunguna na sa paghahatid ng mga balita - online at live! Sa pagtibay ng Opinion Central kung saan opisyal na dineklara bilang “pangalawang host” ang mga manonood, marami ang nasabik! Sa katunayan, dinagsa ang show ng libu-libong mensahe na binubuo ng mga matatapang na opinyon, nakakabaliw na intriga at nakakabahalang mga tanong. Sa kasalukuyan, ang Showbiz Central ay mayroong 5,000 Facebook fan page friends at na­dadagdagan pa.

Bukod sa tunay na interactive experience, nakakaaliw at napapanahon ang mga segments na pinangungunahan ng Sweet Intrigera na si John Lapus, Eat Bulaga muse at credible ChikaMinute anchor Pia Guanio, ever-controversial sexy TV at movie star Rufa Mae Quinto, insightful host at party scene insider Raymond Gutierrez at si Mo Twister.

Ang mga hosts ng League of Intrigues-Startalk TX at Showbiz Central-malayang makakapag-crossover sa isa’t isa—dodoblehin ang excitement, kredibilidad at saya! 

BUTCH FRANCISCO

FAB FOUR

JOEY DE LEON

LOLIT SOLIS

SHOWBIZ

SHOWBIZ CENTRAL

SHY

STARTALK

THREE TIMES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with