^

PSN Showbiz

KC parang tuod

SUNTOK SA BUWAN - Emy Abuan Bautista -

Ngayong Abril, papasok na sa The Last Prince si Carl Guevarra at magiging katrianggulo nina Kris Bernal at Aljur Abrenica. Dalawang taon din itong nasa Dos bago tuluyang naisipang kuma­bilang bakod.

Sa first taping day ng The Last Prince ay kom­por­table agad siya dahil nakipagkuwentuhan sa kanya si Aljur.

Inamin nito na ayaw niyang maging kontrabida sa magka-loveteam although naniniwala ito na may relasyon sina Kris at Aljur dahil nakikita niya kung gaano ka-sweet ang dalawa.

* * *

Inaabangan na ang Iron Man 2 na ipalalabas sa April 30 isang linggo bago ang pagpapalabas sa US. Muling magsasama sina Direk Jon Favreau at ang Oscar nominee na si Robert Downey Jr. sa papel ni Tony Stark.

Ang Iron Man 2 ay ipinamamahagi ng United In­ternational Pictures sa pamamagitan ng Solar Entertainment Corporation.

* * *

Inamin ni Claudine Barretto na nangangapa pa rin siya bilang Kapuso star although over­whel­med siya sa pagtanggap sa kanya ng network.

Matagal na nitong pangarap na makasama ang kanyang asawang si Raymart Santiago sa isang drama anthology na natupad naman.

Natuwa ito nang malamang magkakaroon din siya ng pagkakataong maka­sama sa drama an­tho­logy sina Richard Gutierrez, Robin Padilla, Dingdong Dan­tes at iba pa.

* * *

Higit na masaya at masigla ang talakayan sa Juicy ngayon dahil narun na si Cristy Fermin. Ma­iinit na balita ang hatid nila sa manonood. Up­dated sa mga latest news si IC Mendoza at pana­uhing reporter pero tila naiiwanan sa talakayan ng balita si Alex Gonzaga na isa rin sa mga hosts. Sweet na sweet pa rin siya at pa-demure.

Ang ipinagtataka lang namin sa dalawang araw na panonood ay guest din (o kasama) sa show si KC Montero. Pero para siyang tuod o driftwood na nakikinig lang kina Cristy, IC at Alex.

vuukle comment

ALEX GONZAGA

ALJUR

ALJUR ABRENICA

ANG IRON MAN

CARL GUEVARRA

CLAUDINE BARRETTO

CRISTY FERMIN

DINGDONG DAN

LAST PRINCE

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with