^

PSN Showbiz

GMA programs nanguna sa Mega Manila

-

MANILA, Philippines - Patuloy na nangunguna ang GMA Network sa Mega Manila TV ratings, at ang mga programang gawang Kapuso ang wagi sa lahat ng format o genre noong 2009, ayon sa datos mula sa AGB Nielsen Philippines.

Darna ang may pinakamataas na rating sa lahat ng primetime drama programs noong 2009, samantalang Dapat Ka Bang Mahalin? ang pinakamataas sa mga daytime drama show.

Ang Bitoy’s Funniest Videos ni Michael V. ang nakakuha ng pinakamataas na rating sa lahat ng comedy o gag shows noong nakaraang taon, samantalang Family Feud Celebrity Edition ang highest rating game show. Mel and Joey naman ang nanguna sa general talk show.

Ang longest running noontime variety show Eat Bulaga, na nagdiwang ng ika-30 anibersaryo nitong 2009, ang nanguna sa general variety programs. Kap’s Amazing Stories ang highest rating infotainment show samantalang ang So­brang Okey Pare (SOP) ang highest rating musical variety show.

Ang primetime news program na 24 Oras ang nanatiling number one sa lahat ng newscasts, samantalang Kapuso Mo Jessica Soho ang pina­ka­pi­nanood na public affairs feature program noong 2009. Imbestigador ang nanatiling highest rating public affairs investigative show.

Tinalo ng Survivor Philippines Palau ang lahat ng reality shows at ang Startalk naman ang highest rating showbiz talk show.

Samantala, napanatili ng GMA Network ang pangunguna sa Mega Manila TV ratings nitong Enero 2010.

Sa buwan ng Enero, nakapagtala ang GMA Network ng average total day audience share na 38.3%. Ang malakas na performance ng GMA ay dulot ng pagbabago sa programming line-up at schedule, at ng masugid na pagsubaybay ng mga manonood sa mga exciting na kaganapan sa iba’t ibang programa ng GMA sa primetime sa nasabing buwan.

Nasa 55% na ang composition ng Mega Manila TV households sa National Urban Philippines TV population at lumaki sa 800 TV households ang panel sa nasabing area, ayon sa 2010 TV household population projections ng AGB Nielsen.

Higit na kinikilala ang AGB Nielsen Philippines bilang ratings data supplier sa bansa. Nagbibigay ito ng TV ratings data sa 24 local companies o higit pa kasama ang GMA Network at isa pang TV channel (hindi ABS-CBN). Ang top media agencies pati ang anim na regional clients ay nagsu- subscribe rin sa AGB Nielsen.

AMAZING STORIES

ANG BITOY

DAPAT KA BANG MAHALIN

EAT BULAGA

ENERO

FAMILY FEUD CELEBRITY EDITION

FUNNIEST VIDEOS

MEGA MANILA

NIELSEN PHILIPPINES

SHOW

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with