^

PSN Showbiz

Dingdong dadalhin na ni Marian sa Spain

RATED A - Aster Amoyo -

Hindi nakasali ang actor-senator na si Jinggoy Es­trada sa katatapos na Metro Manila Film Festival (MMFF) pero balak niyang gumawa ng pelikula pag­katapos ng election at plano niyang kunin ang mahusay na comedienne na si Eugene Domingo.

Dahil re-electionist senator this year ang batang senador, dito muna sila magpu-focus at kung kelan maluwag na ang kanyang schedule ay saka niya isisingit ang paggawa uli ng pelikula.

Kahit pinasok na ni Sen. Jinggoy ang public service, hindi ito nangangahulugan na tuluyan na niyang tina­liku­ran ang kanyang acting career. After all, an actor will al­ways be an actor tulad ng kanyang amang si dating Pa­ngu­long Joseph ‘Erap’ Estrada na muling gumawa ng pelikula (under Star Cinema), ang Ang Tanging Pamilya opposite AiAi de las Alas pagkalipas ng mahigit na dalawang dekada na hindi siya umaarte.

***

Extended ang top-rating fantaserye ni Marian Rivera na Darna sa GMA 7 kaya malamang na ma-delay ang pag­sisimula ng Pinoy version ng Koreanovela na Endless Love na siyang magbabalik sa tambalan nila ng kanyang boyfriend na si Dingdong Dantes.

Parehong masaya ang magkasintahang Marian at Ding­dong dahil magkasama sila nung nakaraang Pasko at Bagong Taon. Magkasama rin ang dalawa kasama ang pamilya ni Dingdong sa Boracay na first time narating ng aktres.

Kapag natuloy ang show nila ni Dingdong sa Dubai para sa GMA Pinoy TV, malamang na tumuloy sila ng Spain para dalawin ang kanyang Spanish dad. 

Matagal nang plano ni Marian na makipagkita sa kanyang ama sa Spain pero parati itong nauudlot dahil sa kanyang very tight schedule. Pero gusto niyang ma­tuloy ito bago pa man nila simulan ni Dingdong ang taping ng Endless Love na balitang magsisimula sa buwan ng Abril.

***

[email protected]

vuukle comment

ANG TANGING PAMILYA

BAGONG TAON

DINGDONG DANTES

ENDLESS LOVE

EUGENE DOMINGO

JINGGOY ES

KANYANG

MARIAN RIVERA

METRO MANILA FILM FESTIVAL

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with