^

PSN Showbiz

Pokwang 'di namalayan na nasa GMA na si Bayani

PERUSE ME - Ronnie Carrasco -

Sa paraan ng pagba-blind item ikinu­wento ni Sharon Cuneta sa presscon ng Mano Po 6 ang dating katiwala ng kan­yang ama, dating Pasay City Mayor Pab­lo Cune­ta, na siyang dapat uma­nong ma­­nagot kung bakit “na­wa­wala” ang mana nilang mag­kakapatid (in­cluding her Mommy Elaine’s).

Kilala raw ng megastar ang yumaong ama, tiyak na nasisiguro nito kung anu­man ang kanyang mga na­i­pundar para sa kan­yang mga anak na, ayon mis­­mo kay Sha­ron, aabot sa bilang na dalawam­pu’t lima.

Ang masakit, ang taong ’yon daw ay pi­nag­kati­walaan ng kanyang tatay upang magkamkam lang pala ng kayamanang hindi ang mga Cuneta ang naki­nabang, kundi ibang tao. Pagkaklaro ni Sha­ron, hindi raw nila kaanu-ano ang dating tau­hang ’yon ng ama, na noong pumanaw ang dating ama ng lungsod ng Pasay ay ba­litang nagkamal ng malaking salapi believed to be Sharon’s and her siblings inheritance money.

Being the lead star of Mano Po 6, mas sumentro ang presscon sa isyung ito turning it into Mana Po na ipi­nagkait sa mga naiwang pamilya ni dating Mayor Cu­ne­ta. Ito rin ang naging panimula ng pa­­nayam ni Butch Francisco kay Sharon para sa Startalk, kung saan ang inyong lingkod ang assigned writer.

Off-camera, maraming nabanggit sa amin si Sharon tung­kol sa kasong ’yon as I am also privy to the identity of the person being referred to, but this much I can say.

* * *

Sa sobrang kabisihan yata ni Pokwang, wala siyang kamalay-malay na nalagasan ng isang komedyante ng ABS-CBN. And we’re referring to Bayani Agbayani’s homecoming sa GMA 7.

‘‘Ha? Lumipat na si Bayani?’’ Shocked na tanong ni Pok­wang sa taped episode ng Juicy (that airs on TV5). Nabanggit tuloy namin kay Bayani ang reaksiyon ni Pok­wang nu’ng mag-guest ang komed­yante sa Tweetbiz. Sey ni Bayani : ‘‘Big­laan naman kasi ang paglipat ko, eh. Or shall I say, ’yung pagbabalik ko sa GMA.”

Sa muli ngang pagtapak ni Bayani on GMA grounds, it seemed like a journey down memory lane. Nagbalik-alaala ang kanyang mga fledgling years kung saan nagsilbing tahanan na niya ang Broad­way Centrum, itsurang naka-brief lang siya kung abutang natutulog sa isang office doon!

‘‘It’s as if I never left,’’ matalinhagang sabi ni Bayani who’s now back home. At bilang patunay na todo-bigay na ang kanyang pagbabalik-loob, Todo-Bigay din ang prog­­­ramang sasalihan niya come January 2010, hopefully with Mommy Dionisia Pacquiao as co-host.

Sana lang maging aware ang pa­munuan ng GMA that Pacman’s mom is just a novelty : Katutuwaan mo nga­yon, kasasawaan mo bukas.

At dahil kasado na ang laban ni Manny kay Floyd Mayweather Jr. na tinaguriang Fight of the Millen­nium on March 13, that means, masa­saga­saan ang walang puk­nat na pagno-novena ni Mom­my Dioni­sia sa GenSan months before the bout.

At ibig din lang sabihin, dusa ang staff ng Todo-Bigay dahil obligado silang sundan kung nasaan ang madasaling Mommy D. It’s just like seeing your bet at the casino table burned.

vuukle comment

BAYANI

BAYANI AGBAYANI

BUTCH FRANCISCO

FIGHT OF THE MILLEN

FLOYD MAYWEATHER JR.

MANA PO

MANO PO

MAYOR CU

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with