^

PSN Showbiz

Libing ni Michael Jackson inilihim

-

MANILA, Philippines - Nailibing na sa Forest Lawn Cemetery sa Hollywood Hills sa Los Angeles ang labi ng King of Pop na si Michael Jackson.

Ito ang iniulat kahapon ng Daily Mirror na nagsabing pinakalihim-lihim ng pamilya ni Jackson ang kanyang libing at ang kinaroroonan ng kanyang puntod.  

Hindi sinabi sa ulat na ipinoste rin sa website ng Metro ang eksaktong araw ng libing ng singer na yumao noong Hunyo 25.

Tahimik lang at napakapribado ng libing na tanging mga miyembro ng pamilya ni Jackson ang dumalo.

Ito ang unang pagkakataon na nakumpirmang nailibing na si Jackson pagkaraan ng mahigit isang buwan mula nang bawian siya ng buhay.

Walang tagahanga na nakadalo sa libing dahil hindi nga ito ipinapaalam ng pamilya ng singer sa publiko.

Nangangamba ang pamilya na pagkaguluhan ang puntod ni Jackson kaya inililihim ang lokasyon nito na maging ang mga tauhan ng sementeryo ay hindi nakakaalam. Tanging ang pangasiwaan ng sementeryo at ang pamilya ang nakakabatid. 

 Pinalipas ng pamilya ang ilang linggo bago nila inilibing si Jackson. Naibalik na sa kanyang ulo ang kanyang utak na naunang inalis para suriin ng mga awtoridad. 

vuukle comment

DAILY MIRROR

FOREST LAWN CEMETERY

HOLLYWOOD HILLS

HUNYO

JACKSON

KING OF POP

LOS ANGELES

MICHAEL JACKSON

NAIBALIK

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with