^

PSN Showbiz

Show ni Madonna tinawag na satanista

- FOREIGN CHICKA -

Kasalukuyang binabatikos sa Poland ang naka­tak­dang konsiyerto ng pop singer na si Madonna sa Poland na itinuturing ng mga kritiko na satanista.

Ayon sa isang ulat kahapon ng Metro, kabilang sa bumabatikos sa concert tour ni Madonna ang simbahang Katoliko at ang isang Nobel Peace Prize winner na kinilala lang sa pangalang Mr. Walesa.

Ikinagagalit nila na gagawin ni Madonna ang show sa isang banal na araw ng mga Katoliko sa Poland.

Si Madonna na lumaking Katoliko ay mag­tatanghal sa Poland sa Agosto 15 na nagka­taong, sa araw na ito, ipinagdiriwang doon ang Feast of the Assumption. Pinaniniwalaan ng mga Katoliko na sa nabanggit na petsa naluklok sa langit ang Birheng Maria.

“Isa itong satanikong probokasyon,” sabi ni Walesa na namuno sa unang Sovet-era trade union sa Poland. “Isa akong mananampalataya at hinihiling ko na huwag gawin ang show ni Madonna sa importan­teng kapistahan ng aking relihiyon.”

Kahit ang mga pulitiko sa Poland ay nanana­wagang ipagbawal ang konsiyerto ni Madonna at iboykot ang advertisers na nagtataguyod dito.

“Nakakahiya sa mga residente ng Warsaw at ng Poland sa pangkalahatan ang konsiyerto ng mahalay na singer na tinatawag ang kanyang sarili na Madonna,” sabi ng parliamentarian na si Marian Brudzynski.

Ito ang unang pagkakataon na ginalit ni Madonna ang mga Katoliko at maging ang mga Poles. 

Noong 2006, lumabas si Madonna bilang Black Madonna of Czestochowa sa cover ng isang isyu ng Polish magazine na Machina.

Rebultong hubad ni Angelina Jolie na nagpapasuso ididisplay

Isang rebulto ng Hollywood actress na si Angelina Jolie na nakahubad at nagpapasuso ng dalawang bata ang takdang idisplay sa susunod na buwan.

Ayon sa mga ulat ng Metro at TMZ, ang rebulto ay isang bagong likha ng celebrity artist na si Daniel Edwards na siya ring may gawa ng rebulto ng singer na si Britney Spears habang ito ay nanganganak at modelong si Paris Hilton na nasa anyong patay. Hubo’t hubad din sina Spears at Hilton sa kanilang rebulto.

Sa kanyang rebulto, nakaupo si Angelina habang hubo’t hubad at nagpapasuso ng dalawang bata na ang isa ay itim.

Ayon kay Edwards, kinakatawan ng mga sanggol ang kambal na anak nina Angelina at Brad Pitt na sina Knox at Vivienne.

Gayunman, itinuturing na likha lang ng imahinas­yon ni Edwards ang rebulto at hindi nag-pose sa kanyang harapan nang ganito ang aktres.

Ayon naman sa Splash News, ginawa ni Edwards ang rebulto bilang pagkilala sa World Breastfeeding Week.

Nabatid na nagpondo sa paggawa ng rebulto ang Sandy Wilson of Phantom-Financial bilang pag­tataguyod sa public breastfeeding o hayagang pag­pa­pasuso ng mga sanggol sa publiko at mahikayat ang mga ina na magpasuso ng kanilang mga anak.

Naging inspirasyon sa rebulto ang isang larawan ni Angelina sa W magazine noong 2008 na kuha ni Brad at, dito, pinapasuso ng aktres ang isang sanggol.

Unang ipapakita ang rebulto ng nagpapasusong Angelina Jolie sa Oklahoma City Metro area sa Septembre 11. Isusunod itong itatanghal sa London sa huling bahagi ng taong ito.

vuukle comment

ANGELINA JOLIE

AYON

BIRHENG MARIA

BLACK MADONNA OF CZESTOCHOWA

ISANG

KATOLIKO

MADONNA

REBULTO

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with