^

PSN Showbiz

Cruel Love nasa GMA na

- TV UPDATE -

MANILA, Philippines – Tatlong pusong binalot ng panlilinlang at paghihi­ganti ang magtatagpu-tagpo sa ngalan ng wagas na pag-ibig.

Nagsimula na noong Lunes ang Cruel Love, ang pinakabagong Asianovela ng GMA Network na mag­papadama ng matinding pait at pighati sa hangaring mag­mahal ng tunay, Lunes hanggang Biyernes pagkatapos ng Adik Sa’Yo.

Ang drama series na ito ay pinagbibidahan ni Elaine (Lee Yo Won) na maiipit sa pagmamahal ng dalawang lalaki – ang may-asawang si Stephan (Kim Sung Soo) at ang businessman na si Yuan (Kwon Sang Woo). Sina Kim Sung Soo at Kwon Sang Woo ay huling napanood sa dalawang top-rating GMA Koreanovelas na Full House bilang Luigi and Stairway to Heaven bilang Cholo.

Si Elaine ay isang matagumpay na cellist. Makikilala niya si Stephan at sila ay magkakaroon ng ugnayan. Kahit may asawa ito, hindi mapipigilan ni Elaine ang sarili na mahalin si Stephan. Madidiskubre ng asawa ni Stephan na si Julienne ang lihim na ugnayan nito kay Elaine.

Dahil dito, gagawin ni Julienne ang lahat upang maputol ang relasyon nina Elaine at Stephan. Siya ay magtatagumpay at kusang lalayo si Elaine at mangingibang bayan.

Makalipas ang limang taon, haharapin ni Elaine ang bagong buhay nang nag-iisa. Dito niya makikilala si Yuan, na hanggang ngayon ay nagdurusa sa pagkamatay ng kanyang nobyang si Joan. Sa kanilang madalas na pagtatagpo, mabubuo ang di inaasahang pagtitinginan na mauuwi sa pagmamahalan.

Ngunit, hindi rito matatapos ang pag-usig sa madilim na nakaraan ni Elaine. Madidiskubre niya na si Yuan ay step-brother ng asawa ni Stephan na si Julienne.

Lalong sisiklab ang galit ni Julienne kay Elaine.

Paano haharapin ni Elaine ang bangungot ng kanyang nakaraan? Hanggang kailan siya paglalaruan ng tadhana? Hanggang kailan niya pagbabayaran ang parusa ng bawal na pag-ibig?

Agimat malapit nang maramdaman sa abs-cbn!

Isa na namang action/adventure series ang nakatakdang ihatid ng ABS-CBN sa kanilang loyal viewers — ang kakaibang kuwentong ihahatid ng Agimat.

Sa ganitong klaseng kuwento sumikat ang respetadong aktor na si Ramon Revilla Sr. Binansagan pa nga siya bilang ‘invincible superhuman’ na may tinatagong anting-anting na nagtataglay ng kakaibang kapangyarihan. Ngayon, apat sa pinaka-sikat at pinaka-hinahangaang male stars ng kanilang henerasyon ang sasabak sa naturang istorya : Gerald Anderson, Jake Cuenca, Coco Martin at Jolo Revilla.

Hindi na nga maitago ng apat na bida ang kanilang tuwa at excitement sa kanilang bagong proyekto dahil ibang klaseng serye at malayo sa kanilang ibang projects ang kanilang tatahakin. Ang Agimat ay umiikot sa kuwento ng apat na kalalakihan na mag-iiba ang buhay sa oras nang mabigyan sila ng isang diwata ng kapangyarihan.

Siguradong agad na mahu-hook ang mga viewers dahil pinagsama-sama na ang action, suspense, comedy at family drama sa malaking proyekto na ito.

Humanda na at hayaang dalhin kayo ng Agimat sa mundo kung saan may apat na kalalakihan na kayang higitan ang natural na kapangyarihan ng tao. Malapit na sa ABS-CBN.

Para sa karagdagang updates, mag-log on sa www.abs-cbn.com.

Maiinit Na Eksena

Nagkita si Lolita at Antonio, parang isang taon silang hindi nagkita at sabik na sabik sa isa’t isa.   Nalulungkot si Antonio at doon lamang sila nagtagpo at nais daw niyang ipagmalaki ang pagtanggap ni Lolita sa kanyang pag-ibig ngunit mahirap ang kanilang sitwasyon. Nagulat si Antonio nang sabihin ni Lolita na nais niyang sabihin sa kanyang mga magulang ang pag iibigan nila. Natuwa si Antonio at gagawin daw niyang pormal ang pagpapaalam kina Don Carlos at Donya Catalina na sila ay magkasintahan na. Isang gabi ay nagtungo si Antonio sa Taverna kung saan tumutuloy sina Lolita. Kinakabahan ang dalawa nang dumating ang mag- asawa na nagkataon namang putukan sa labas, sumasalakay ang mga pirata sa plaza, sandaling nagpapaalam si Antonio kay Lolita dahil sina Pepe at Bernardo ay nandoon, sisiguruhin lang daw niyang ligtas ang mga ito.

Nangako si Antonio na agad na magbabalik upang ituloy ang pagpapahayag ng kanilang pag-iibigan. Sumalakay ang mga Pirata at pinaghahanap si Shihong inabutan nila ito sa tavern. Dumating si Lima Hong at nagharap sila ni Shihong at hinihingi ang matagal na daw na ninakaw nito. Itinanggi ito ni Shihong at matagal na itong nabenta.

Ito ang maiinit na eksena sa Zorro.

vuukle comment

ADIK SA

AGIMAT

ANTONIO

ELAINE

KANILANG

KWON SANG WOO

LOLITA

SHIHONG

STEPHAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with