^

PSN Showbiz

Regalo ni Tony Boy: Greta bus ang dala sa taping at guesting

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis -

Invited ako kahapon sa launching ng Most Beautiful issue ng YES! magazine pero hindi ako nakapunta dahil may previous appointment ako.

Hindi man ako nakasipot, pinadalhan ako nina Jo-Ann Maglipon at Anna Pingol ng kopya ng magazine nila. Thank you Anna. Thank you Jo-Ann!

May mga alaga ako na kasali sa 100 Most Beautiful Stars ng YES! Ka-join sa listahan sina Lorna Tolen­tino, Sandy Andolong, Carlene Aguilar, Lani Mercado at Paolo Contis.

 Hindi kasali ang iba kong alaga na beautiful din dahil kasama na sila sa listahan noong 2007 at 2008.

Nasa listahan din ng Beautiful Stars sina Marian Rivera, Dingdong Dantes, Kris Bernal at Aljur Abrenica.

Buy na kayo ng “beautiful issue” ng YES! dahil magaganda ang mga pictures ng artista, as in pang-collector’s item ito!

***

Pinuntahan ko ang taping kahapon ng Sweetlife kahit alam kong hindi type ni Douglas Quijano ang mga tribute-tribute.

Tungkol sa friendship ang topic at nag-oo ako nang una akong imbitahan ng staff ng Sweetlife pero nagbago ang isip ko nang maalaala ko na hindi feel ni Dougs ang mga parangal. Pero nagbago uli ang isip ko, sinipot ko sila.

Noong nabubuhay pa si Dougs, sinabi niya sa akin na hindi niya type ang mga tribute. Pero tiyak na naiintindihan ako ni Dougs!

***

Sosyal talaga si Gretchen Barretto dahil malaking bus ang ginagamit niya kapag may mga tapings at guesting siya.

Regalo ni Papa Tonyboy Cojuangco ang bus na kasing-laki ng mga tourist bus na nakikita natin.

May sariling banyo, pahingahan at sala ang bus ni Greta. Gusto raw niya na komportable siya sa mga lugar na kanyang pinupuntahan kaya type na type ni Greta ang regalo ni Papa Tony.

Isang bagay ang gusto kong malaman. Saan kaya iginagarahe ni Gretchen ang bus? Sa exclusive village kaya na tinitirhan nila ni Papa Tony o nagrenta sila ng malaking parking lot?

Mahirap mag-maintain ng bus dahil ma­gastos ito sa gasolina pero can afford si Greta. Para que pa’t naging mayaman ang kan­yang long-time partner?

***

Naging busy ako noong nakaraang linggo kaya hindi ko pa naaasikaso ang dinner treat ko kay Alfred Vargas at sa kanyang girlfriend na si Yasmine.

Nag-promise ako kay Alfred na ililibre ko sila ng dinner ng kanyang girlfriend kapag dumating ito mula sa Italy.

Eh naririto na si Yasmine sa Pilipinas. Hindi pa kami nagkikita dahil nagpunta ako sa Cebu City at halos araw-araw ako noon sa The Heritage Memorial Park.

Na-meet ko noong December 2008 si Yas­mine. Dinala siya ni Alfred sa bahay ko noong Christmas Day. Napakagandang babae ni Yasmine. May mga nag-aalok sa kanya na mag-artista pero tumanggi siya. Kuntento na yata si Yasmine na maging dyowa ng kanyang amore. Amore raw o!

vuukle comment

AKO

ALFRED VARGAS

ALJUR ABRENICA

ANNA PINGOL

BEAUTIFUL STARS

DOUGS

PAPA TONY

YASMINE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with