^

PSN Showbiz

Amerika nag-switch sa bagong era ng telebisyon

- TV UPDATE -

MANILA, Philippines - Tuluyan nang pumasok sa bagong era ng telebis­yon ang Amerika noong June 12 sa pag-switch nito sa Digital Terrestrial Television (DTT).

Ang DTT ang makabagong teknolohiya kung saan digital na ang ginagamit sa pagbo-broadcast ng mga TV networks. Sa kasalukuyan, analog pa rin ang ginagamit ng karamihan, kabilang ang Pilipinas.

Gayunpaman, dama na rin ang magandang epekto ng DTT sa iba’t ibang bansa sa mundo. Sa katunayan, mayroon nang ilang lungsod sa Amerika ang nag-switch na sa DTT bago pa ang June 12.

Ang network giant na NBC, sikat sa mga programa tulad ng Heroes at Deal or no Deal ay may dalawang channels sa New York. Dahil dito, mas maraming mapagpipilian ang publiko pagdating sa kanilang panonood.

Pang-siyam ang US sa mga bansang tinalikuran na ang analog TV, na siya pang sistemang ginagamit noong naimbento ang telebisyon. Kumpara sa analog TV, ang DTT ay maaring magbigay daan sa mas maraming channels, mas magandang reception, at mas malinis na audio at video quality.

Maihahambing ang ebolusyon ng telebisyon sa cassette tape na matagal nang naungusan ng mas tinatangkilik na compact disc (CD) at digital music (MP3) players. Digital data kasi ang ginagamit sa CD at MP3 players.

Mas mataas ang kalidad nito sa analog at mas ma­liit din ang kinukuhang space kaya maraming kan­ta ang puwede nitong i-store.

Ganun din ang DTT. Bukod sa mas mataas ang kalidad ng tunog at larawan, mas maliit din ang kinukuhang space sa frequency kaya pupu­wedeng magbroadcast ng higit sa isang channel ang isang istasyon. Mas maraming channel, mas marami ring pagpipilian ang mga manonood.

Sa New York, dalawa ang channel ng NBC. Bu­kod sa pangunahing channel nito, mayroon ding karag­dagang NBC channel na tungkol lang sa mga bagay kaugnay sa pamumuhay sa New York ang ine-ere. Sa ibang mundo, ginagamit naman ang karagdagang channels para maghatid ng balita buong araw, o kaya naman ay mga pelikula.

Tulad noong naging color ang mga black and white TV noon, inaasahang malaki ang magiging pagbabago pagdating sa panonood ng TV dahil sa DTT. Kaya naman noong Araw ng Kalayaan ng Pilipinas - June 12, hindi lang tayo ang nag­diwang. Pati mga Amerikano ay ginunita ang kanilang kalayaan — kalayaan sa mga limitasyon ng analog TV.

vuukle comment

AMERIKA

AMERIKANO

DIGITAL TERRESTRIAL TELEVISION

DTT

MAS

NEW YORK

PILIPINAS

SA NEW YORK

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with