^

PSN Showbiz

Aktres na galing sa reality show nagpakasal na

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles -

Magkaaway ngayon ang isang artista na galing sa reality show at ang kanyang ina dahil sa isyung pagpakasal ng actress sa nobyo niyang nagsu-showbiz din. May feeling ang ina ng actress na totoong ikinasal sa Pampanga ang anak at boyfriend nito na inililihim sa kanya.

Hindi pabor ang ina sa pamilya ng boyfriend (asawa na ba ngayon ng anak?) dahil kung anu-ano raw ang sinasabi ng pamilya nito laban sa actress. Tanggap ng ina ng actress ang BF nito, pero hindi ang pamilya lalo na ang ina nito.

Tahimik ang actress ‘pag tinatanong kung kasal na sila ng BF, pero sa mga paduda nitong sagot, naniniwala ang mga kaibigan nitong totoong kasal na ito sa nobyo.

* * *

Hindi lang ang Are You The Next Big Star? ang aabangan ng fans ni Regine Velasquez sa kanya, dahil sa May 24, mapapanood ang post-birthday special niya entitled Roots to Riches sa direction ni Louie Ignacio. Sa Malolos, Bulacan ang location ng special at makikilala ang mga importanteng tao na naging bahagi ng buhay at showbiz career ni Regine.

Isa rito si Eva Castillo na sabi ni Regine, kasabay niyang sumasali sa amateur singing contest at laging tumatalo sa kanya. Tuwang-tuwa siya na nahanap ito ng GMA-7, na-interview at makaka-duet pa niya. Rival daw sila, pero friends din.

 “This is my life anthology, mas in-depth ang ginawa at nagpapasalamat ako. Nakaka-iyak ito, parang docu ang concept. Thanks GMA for giving me a wonderful gift,” wika ni Regine.

Malinaw ang paliwanag ni Regine kung bakit walang sumikat ng husto sa winners ng Pinoy Pop Superstar. Sabi nito: “You have to work hard for para maabot mo ang dreams mo. Suwerte nga sila’t may backing sila ng network, but I’m proud of them dahil they are a great singers and performers. It’s up to them kung hanggang saan ang gusto nilang ma­rating.”

May nagtanong kung susunod na ba silang ikakasal ni Ogie kina Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo?

 “Hindi ako sure. Right now, ‘di pa rin puwedeng pag-usapan ang tungkol doon at alam n’yo naman kung bakit. May hinihintay pang something, ‘di pa puwedeng pag-usapan.”

* * *

Si Keempee de Leon ang co-host ni Regine Velasquez sa Are You The Next Big Star? at timing ang pagdating ng show dahil malapit nang matapos ang All About Eve. Honored siyang mapiling makasama ng Songbird considering na maraming talents ang GMA-7. Maganda ang sagot kung bakit si Keempee ang isinama kay Regine. Lagi raw on the lookout ang network for something new, for something novel at naniniwala silang magagawa nito ng tama ang ibinigay na trabaho.

 “Seryoso ang gagawin ko rito and before and after umakyat sa stage ang contender, kakausapin ko. Mahirap, pero mas makikilala ko sila at inalam ko agad ang part ko bilang paghahanda,” pahayag ni Keempee.

Magkakaroon pala ng update ang AYTNBS? sa Sis, kaya tumutok lang para malaman ang nangyayari sa contender na ang alam namin, isa sa kanila’y actor ng Regal.

* * *

Sa pagtatapos ng Igorota episode ng Dear Friend, tinanggap na uli ni Mabel (Glaiza de Castro) si Jason (Polo Ravales) at nasaktan na naman si Mando (Patrick Garcia). Nagalit si Mando at sinumbatan si Mabel at naamin na rin nitong mahal niya ang kaibigan, pero huli na ang lahat dahil nagkabalikan na sina Mabel at Jason.

Panoorin mamaya ang pagtatapos ng Igorota.

vuukle comment

ALL ABOUT EVE

ARE YOU THE NEXT BIG STAR

DEAR FRIEND

EVA CASTILLO

IGOROTA

JUDY ANN SANTOS

KEEMPEE

KUNG

MABEL

REGINE VELASQUEZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with