^

PSN Showbiz

May ibang kinakasama na Presidentiable hiwalay na sa asawa

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis -

Hindi pa raw approved ng Star Cinema ang pelikulang gagawin ni dating pangulong Joseph Estrada na sa kanya manggagaling ang script. Nauna nang sinabi ng dating pangulo na Ang Tanging Ama N’yong Lahat ang magiging comeback movie niya with AiAi delas Alas.

Pero kung pumayag pala si Erap noon, matagal na sana siyang nakabalik sa pelikula. Originally, ino-offer na sa kanya ang nasabing pelikula pero tinanggihan niya raw ito ayon sa isang source.

Ngayon may negative reactions sa inilabas niyang statement. Ayon sa ilang readers, huli na ang lahat para sa comeback ni Erap sa pelikula.

* * *

May sakit daw na nakakahawa ang isang singer. Yup, nahawa raw ito ng kanyang ex-boyfriend ayon sa source. Kaya nga raw kung mapapansin ninyo, nag-iba na ang hitsura ng singer. Pumangit ito at parang lumaylay ang katawan.

Hindi na visible ang singer, pero madalas pa rin siya sa sosyalan.

* * *

Hiwalay na sa asawa ang isang presidentiable? Yes, according to a very reliable source, nakatira na sa ibang bahay si Mr. Presidentiable at meron na siyang ibang kinakasama na mas bagets sa kanyang ex ayon pa sa source. Pero magkaibigan naman daw silang naghiwalay ayon mismo sa isang malapit sa nag-aambisyong maging pangulo ng bansa.

Sa katunayan, ang dating misis pa rin ni Mr. Presidentiable ang nagpapatakbo ng opisina ng asawa at ang nasa likod ng kampanya nito sa darating na eleksiyon.

Hindi mo rin daw mahahalatang hiwalay na sila dahil iilan lang sa malalapit nilang kaibigan at kamag-anak ang nakakaalam although nakikita nang may kasamang iba si Mr. Presidentiable.

* * *

‘We appeal to everyone to please respect the privacy of Ted Failon and his family. His wife is fighting for her life’.

Ito ang inilabas na official statement ng ABS-CBN matapos ang nakakagulantang na kuwento kahapon na nagkaroon ng barilan sa bahay ni Mr. Ted Failon at ng kanyang asawa. Iba-iba ang bersiyong lumalabas.

Naglabas din agad ng statement ang ABS-CBN na galing kay Mr. Failon.

“Hindi ko na tinapos ang aking programa sa DZMM kaninang umaga matapos kong makausap ang aking asawa sa telepono. Kaya umuwi kaagad ako at natagpuan kong nakakandado ang pinto ng banyo. Pinabuksan ko ang pinto at natagpuan ko ang aking asawa na duguan kung kaya’t itinakbo ko siya kaagad sa ospital.

“Tiyak na mahaba pa ang tatakbuhin ng kuwentong ito lalo na nga’t maraming version ng kuwento ang lumabas.”

Bago pa ang report sa TV Patrol kagabi, isang ABS-CBN insider ang nagkuwento na lalabas ang issue ng suicide at inaagapan sanang mag-news blackout.

vuukle comment

ANG TANGING AMA N

ERAP

JOSEPH ESTRADA

KAYA

MR. FAILON

MR. PRESIDENTIABLE

MR. TED FAILON

PERO

STAR CINEMA

TED FAILON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with