Mikee Cojuangco kakandidato sa Tarlac
MANILA, Philippines - Seen : Ang mga terno na isinusuot ni Kris Aquino sa SNN at Pinoy Bingo.
Hanggang kailan magsusuot si Kris ng mga terno, hanggang June 12 (Araw ng Kalayaan)?
Scene : Ang diskusyon kung pang-ilan si Alma Moreno sa mga pinakasalan ni Marawi City Mayor Fahad Salic.
Walang dapat pagtalunan kung pangalawa o pangatlo si Alma dahil pangalawa rin si Mayor Fahad sa mga lalaki na pinakasalan niya.
Seen : Ang kuwentuhan ng mga readers ng PSN website. Ginawa nilang chatroom ang comments box. Ang saya-saya nila!
Scene : Hindi pa nalulutas ang hiwaga ng paglabas sa mga diyaryo ng pagpunta sa Boracay ng basketball player na si Wesley Gonzales upang dalawin si Isabel Oli.
Malakas ang kutob nina Isabel, Glaiza de Castro at Jennica Garcia na si Nadine Samonte ang nagparating ng balita sa mga reporter.
Scene : Ang balak ni Mikee Cojuangco-Jaworski na kumandidato sa Tarlac sa 2010 elections. Dalawa ang posisyon na pinagpipilian ni Mikee, governor or mayor.
Seen : Ang pananahimik ni Epy Quizon. Siya na lang ang hindi nagpapainterbyu tungkol sa maling report ng PEP sa away nina Richard Gutierrez at Michael Flores na hindi nangyari.
Scene : King ang family name ng lalake na masugid na manliligaw ni Iza Calzado. Galing sa mayamang pamilya ng mga negosyante ang suitor ni Iza.
- Latest
























