^

PSN Showbiz

Naanakan ni Mart Escudero nagsumbong kay Jennica

- Veronica R. Samio -

Kung hindi pa sila nag-location para sa serye ng Gagambino na kung saan sila ay magkatambal muli, hindi pa siguro matutuklasan ni Jennica Garcia ang sikreto ng kanyang boyfriend na si Mart Escudero.

Hindi lamang niya natuklasang may ibang babae ito, nakilala pa niya ang babae, nakausap at natuk­lasan pa niya na mayroong anak dito ang nobyo. Mismong ang babae pa ang nagtapat kay Jennica.

Dahil sa natuklasan, nakipag-break daw si Jennica kay Mart pero, hindi ito tinanggap ng aktor.

Cool off pa rin daw ang dalawa hanggang sa kasa­lukuyan pero, nagbabalak magba­kasyon si Jennica sa Thailand para magpa­lamig.

Isang best friend niya ang may bahay dun at matagal na siyang iniimbita nito na mag-relax dun.

Ngayon lang niya ito mapagbibigyan.

* * *

Ramdam na ramdam ng buong cast ng Tayong Dalawa ang sobrang lamig ng Baguio, pero tiniis nila ‘yun mabigyang buhay lamang ang mga roles na ginagampanan nila sa serye.

Sina Gerald Anderson at Jake Cuenca, napaka­hirap ng pinagdaanang training bilang mga PMA-ers.  

 Tunghayan ang mga pinagdaanang training ng dalawang David Garcia sa Tayong Dalawa sa ABS-CBN Primetime Bida.

* * *

Naka-jackpot ang GMA sa kanilang bagong programang Ang Babaeng Hinugot sa Aking Tad­yang na nagsimula nang mapanood nung Lunes, Peb. 2. For once, na-impress ako kay Marian Rivera dahil ibang klaseng acting naman ang ipinakita niya rito, kikay, nakakatawa, bagay sa kanya. Ewan ko kung sa orihinal na istorya o pelikula ay nakakatawa rin ang role ng unang gumanap ng Proserfina na si Vivian Velez.

Maganda rin ang role ni Eugene Domingo, sila ni Alyssa Alano, bilang mga maid ni Dingdong ang nagpu-provide ng mga comic scenes.

Ang role ni Dingdong Dantes ay isang mayaman, parang si Sergio Santibañez sa Marimar. Sigurado akong susu­bay­bayan siya para ma­laman kung ano at sino talaga siya sa serye.

Gandang-ganda ako sa theme song ng serye na kinompos ni Ogie Alcasid at kina­kanta ng La Diva.

Ang ganda talaga bagaman at sa series ay mayroon ding lala­king kumakanta nito na kasing ganda rin ng sa La Diva.

* * *

Tinatanong ako ng maraming kafatid sa hanap­buhay kung dapat daw bang nag-react si JC de Vera nang malaman nitong sandali palang naka-on ni Rhian Ramos si Mark Herras.

Eh nung mangyari naman daw ito ay hindi pa naman sila. Kitang-kita raw kasi sa TV ang pagkagulat ni JC sa mga naging rebelasyon tungkol sa sinasabing girlfriend niya ngayon, lalo na nang aminin nito na wala pang closure ang naging relasyon nila ni Mark.

So technically girlfriend pa ni Mark si Rhian? Paano siya? But then, sabi ng ilang nagtatanong na meron din naman daw Chinese girlfriend si JC.

Ganun? Totoo ba ito? 

vuukle comment

AKING TAD

ALYSSA ALANO

ANG BABAENG HINUGOT

DAVID GARCIA

DINGDONG DANTES

JENNICA

LA DIVA

SHY

TAYONG DALAWA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with