^

PSN Showbiz

Paolo nabubuwisit 'pag hindi nakikita si Lian

SUNTOK SA BUWAN - Emy Abuan Bautista -

Aminado si Paolo Contis na nininerbyos siya sa kanyang hosting job sa My Dad is Better Than Your Dad na mapapanood ngayong Linggo sa GMA 7.

“Para akong nangangapa sa dilim dahil isang challenge sa akin na mag-host ng ganito kalaking show. Maganda ang layunin ng show dahil magba-bonding ang buong pamilya,” sabi ni Paolo.

Nagbiro pa nga ang aktor na nagpapasalamat siya sa mga tumangging mag-host ng show na si Vic Sotto.

Tinanong din namin si Paolo kung ano ang kaibahan ng pakikipagrelasyon niya ngayon kay Lian Paz sa mga ibang naging girlfriend niya.

“Weird nga dahil naging madalian lang ang relasyon namin — mga ilang linggo lang. Pagkatapos niyang makipag-break sa boyfriend na si Jeff Tan, ako naman ang nakipaghiwalay kay Isabel (Oli). Nabubuwisit ako kapag hindi ko siya nakikita. Sasabihin ko sa kanya na umuwi na ng bahay nila para madalaw at makita ko na siya,” dagdag pa ng aktor.

* * *

Inamin ni Anne Curtis na super excited sila ni Angelica Panganiban sa pagkakapili sa kanila bilang latest endorsers ng Swatch watches. Swak sa kanila ang bagong watch line ng Swatch na Original Skin.

Sa presscon, ipinagmamalaki ng dalawa na hindi retokado ang kanilang katawan. Ayon kay Angelica, handa siyang magpa-sexy kapag nagpiktoryal pero itinuro na mas daring sa kanya si Anne at hindi lang ito nag-iingay.

* * *

Ibinuking ni Jean Garcia nang makatsikahan namin sa set ng Gagambino na mahilig pala si Raymart Santiago sa showbiz tsismis. “Tsismoso ’yan dahil nang matsismis ako kay Jojo Manlongat ay tinanong ako at interesadong malaman kung ano talaga ang namamagitan sa aming dalawa. Tatahi-tahimik lang si Raymart pero mahilig ’yan sa tsismis,” sabi ni Jean.

Inamin naman ni Jean na nagdi-date sila ni Jojo pero friendly date lang ito.

vuukle comment

ANGELICA PANGANIBAN

ANNE CURTIS

BETTER THAN YOUR DAD

INAMIN

JEAN GARCIA

JEFF TAN

JOJO MANLONGAT

MY DAD

ORIGINAL SKIN

PAOLO CONTIS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with