^

PSN Showbiz

Katrina third party, sa hiwalayang Dra. Belo at Hayden Kho

-

Seen : Kung nagpapakon­trobersyal si Karylle dahil sa kanyang ‘ngiti,’ higit na nagpa­pa­kontrobersyal si Marian Rivera. Over-acting ang pag-iyak ni Marian sa presscon  ng Desperadas 2.

Scene :  Dapat maging maingat si Marian Rivera. Kalat na kalat na ang balita na suplada at ma­ta­ray siya. Nagiging negatibo na ang imahe niya. Nadadagdagan ang bilang ng mga tao na nagpapatotoo na naging biktima sila ng  kasup­la­dahan ni Marian.

Seen :  Nagagalit ang fans ni Karylle. Siya na nga ang nawalan ng boyfriend, siya pa ang ginagawang kontrabida dahil sa kanyang pangngiti sa tanong ni Boy Abunda. Naka­sentro kay Marian ang paghihi­magsik ng fans ni Karylle. Pina­litan nila ang title ng filmfest movie ni Marian. Ginawa nilang Snake, Rattle & Roll ang pamagat ng Shake, Rattle & Roll.

Scene : Hindi afford ng mga kabataan ang presyo ng tickets ng Katy The Musical, ang musical play nina KC Concepcion at Jericho Rosales. Five thousand, ten thousand pesos at twenty thousand pesos ang presyo ng tickets. Tigilan na ng mga producer ng Katy ang kanilang press release na itatanghal ang Katy para sa mga kabataan. Itatanghal ang Katy pagkatapos ng awards night ng Metro Manila Film Festival.

Seen : Si Katrina Halili ang  pinagbibintangan na third party sa break-up nina Dra. Vicki Belo at Hayden Kho. Hindi raw pang-one night only ang relasyon nina Katrina at Hayden.

Scene : Kulang sa katotohanan ang official statement ng ABS-CBN na walang isyu ngunit pinalaki ng ibang tao ang isyu sa coverage ng burol ni Marky Cielo. Hindi ba nila napanood ang panayam sa ina ni Marky at ang pahayag nito na nasaktan siya dahil ipinakita sa news program ng ABS-CBN ang bangkay ng kanyang anak, sa kabila ng kanilang mahigpit na pakiusap?

Seen : Ang manipis at matinis na boses ng Be Bench winner na si Carlo Guevarra. May mga paraan upang maging boses-lalake ang matinis na  boses ng love interest ni Ogie Alcasid sa Desperadas 2.

vuukle comment

BE BENCH

BOY ABUNDA

CARLO GUEVARRA

DESPERADAS

HAYDEN KHO

JERICHO ROSALES

KARYLLE

KATY

MARIAN RIVERA

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with