^

PSN Showbiz

Burol ni Marky nagulo!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis -

Nagkaroon kahapon ng kaguluhan sa burol ni Marky Cielo sa Mountain Province dahil nagpumilit ang crew ng The Buzz at E! Live na mainterbyu ang ina ng namatay na young actor.

Nakiusap daw ang pamilya ni Marky na bigyan sila ng privacy pero hindi nagpaawat ang staff ng mga TV show ng ABS-CBN.

Ang sey ng isang staff member, nag-effort sila na pumunta sa Mountain Pro­vince para sa coverage ng burol ni Marky at trabaho lang ang kanilang ginagawa.

Lalong nalungkot ang mga naulila ni Marky dahil hindi pinagbibigyan ang privacy na ni-request nila. Hindi naman kalabisan kung pagbibigyan ng media o TV crew ang kahilingan ng mga kamag-anak ni Marky. Hindi biro ang pinagda­raanan nila kaya utang na loob, tantanan n’yo na sila. ’Yun lang!

* * *

Bongga talaga si Dingdong Dantes? Bakit? Read ninyo ang article na luma­bas sa website ng The Insider:

Entertainment Television recruited twenty judges who came up with the list of 25 hottest hunks worldwide. Keith Urban was chosen not merely for his country charms but for his sweetness, versatility and virility. According to one judge, Urban can go from rugged to formal in a matter of minutes. He is also credited for giving Nicole Kidman a baby and a happy marriage.

The panel of judges chose hunks from all industries including sports, movies, ramp and even pop divas. The inclusion of Urban and David Beckham in the list shows how sexy is defined by the judges - good looks, great fashion sense, and fatherhood. Bad boy Johnny Depp’s number two position however shows that being naughty on the side also helps!

E-Television’s sexiest hunks list also included Dan Carter (rugby player), Jonathan Meyers (actor), Kostas Martakis (pop star) and Dingdong Dantes (Filipino actor).

O di ba, ang sosyal ni Dingdong? Tinalbugan pa niya ang dyowa ni Nicole Kidman na si Keith Urban? Nasa 16th place si Keith at number 3 si Dingdong!

* * *

Isang aksidente sa EDSA ang kumitil ng buhay ni Dr. Francisco Sarabia noong October 21. Nangyari  ito  dahil isang humaharurot na bus na kumaladkad sa sinasakyan ng biktima at hindi lamang ito noon nangyari.

Sa totoo lang, ang mga aksidente sa kalsada eh naging normal na sa ating pandinig dahil palagi itong nangyayari.

“Kailangan natin na  alisin ang mga iresponsableng drayber sa ating lansangan,” ang sey ni Congressman Irwin Teing, ang author ng House Bill 5498 o Anti-reckless driving bill.

“Mababawasan  ang mga aksidenteng panlansangan at maghihikayat sa mga nagmamaneho na maging responsable.”

Co-author ng Anti-reckless driving bill sina Reps. Rene Velarde and Ma. Carissa Coscolluela. Type nila  na i-classify ang ‘reckless driving’ bilang isang criminal offense at magkaroon ito ng matinding parusa.

Sa HB 4598, ang multa sa reckless driving ay: isa hanggang anim na buwan at/o P10,000, anim na buwan hanggang 2 taon  at/o P20,000 (para sa insidenteng nagdulot ng slight phy­sical injuries), 2 taon at 1 araw hanggang apat na taong pagkakakulong at multa ng P40,000 (less serious physical injuries), 4 to 6 taon na pagkakakulong at P80,000 (serious injuries), 6 to 12 years imprisonment at P100,000 (death).

Ang mga damages sa gamit dulot ng reckless driving ay magpapataw ng multa na katumbas ng pag-aaring nasira, na di hihigit sa P10,000, at/o 6-8 na buwan na pagkakakulong.

“As a lawmaker, I have to make sure that I do everything possible to keep my constituents safe,” dagdag pa ni Cong. Irwin. “Public safety is my priority.”

CARISSA COSCOLLUELA

CONGRESSMAN IRWIN TEING

DAN CARTER

DINGDONG DANTES

DR. FRANCISCO SARABIA

ENTERTAINMENT TELEVISION

KEITH URBAN

MARKY

NICOLE KIDMAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with