^

PSN Showbiz

Mga reporters kinukutsaba pa...; Aktres gustong gawing gimik ang pagpapakasal sa aktor

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis -

Hindi ko pa alam ang buong detalye ng reklamo laban kay Mommy Rose Flaminiano na inilapit nina Aster Amoyo, Aubrey Miles at Maui Taylor kay Vice President Noli De Castro.

Basta ang alam ko, nagrereklamo ang tatlo nang malaman nila na milyun-milyong piso ang utang nila sa Pag-Ibig dahil sa mga bahay na nakatirik sa subdivision sa Tarlac na pag-aari ni Mommy Rose.

Iba ang kaso ni Mama Aster sa kaso nina Aubrey at Maui na naging mga endorsers ng subdivision pero imbes na datung, house and lot ang ibinayad sa kanila ni Mommy Rose.

Endorser din ng subdivision si Rudy Fernandez pero namatay ito nang hindi alam ang nangyari sa ipinangako sa kanyang house and lot.

Bibili sana si Mama Aster ng bahay sa subdivision pero nagbago ang kanyang isip. Pumirma siya ng mga papeles pero hindi niya alam na ipinasok din pala ni Mommy Rose sa Pag-Ibig ang mga loan documents. Naloka si Mama Aster nang malaman nito na malaki ang kanyang utang sa Pag-Ibig dahil sa isang bahay na hindi naman niya nakita o natirhan.

Masamang-masama ang loob ni Mama Aster kay Mommy Rose dahil sa nangyari. Humihingi siya ng hustisya dahil hindi niya pinangarap na bayaran ang utang na hindi napakinabangan.

Napanood ko ang report ng TV Patrol tungkol sa paglapit nina Mama Aster and company kay Papa Noli.

Nag-promise si Papa Noli na paiimbestigahan ang scam. Nagpainterbyu na rin sa TV ang abogado ni Mommy Rose kaya i-expect natin na magiging malaki ang isyu at hahantong ito sa korte.

* * *

Nalaman kaagad ng kampo ni Mommy Rose ang pagpunta nina Aster, Aubrey at Maui sa opisina ni Papa Noli noong Martes.

Binanggit ni Papa Noli sa kanyang mga bisita na tumawag sa opisina niya ang lawyer na asawa ni Mommy Rose.

Palaban ang tatlong complainant dahil kumpleto ang mga ebidensya na pinang­hahawakan nila. Knowing Mommy Rose, may sagot ito sa mga ibinibintang sa kanya. Alive na alive ang showbiz!

* * *

Bigo ang mga reporters na nag-interbyu kay Jean Garcia dahil hindi napaamin tungkol sa relasyon nila ni Polo Ravales. Kesyo, break na sila.

Bakit naman aamin si Jean na break na sila ni Polo eh hindi nga sila umamin na naging magdyowa sila?

Mukhang may usapan ang dalawa na hindi sila magsasalita tungkol sa break-up atsutsutsu dahil tahimik din si Piolo. Mas enjoy siya na sagutin ang isyu na nagkakagustuhan sila ng Gobingo girl na si Krissa Mae itsurang hindi sila magkasing-height!

* * *

Gimikera na rin ang isang aktres. Siya mismo ang nagsasabi sa mga reporters na palakihin ang balita na nagpakasal na sila ng kanyang boyfriend na aktor.

Siyempre, na-turn off ang mga reporters. Hindi nila feel na magpagamit sa mga gimik ng aktres.

Kung gusto niya na aminin na kasal na sila ng kanyang dyowa, eh di aminin niya! Ang akala yata ng aktres eh madidiktahan nito ang mga bitchy-bitchy reporters!

 Hindi nga siya marunong mag-share ng blessings ‘noh!

vuukle comment

ASTER

MAMA ASTER

MOMMY

MOMMY ROSE

PAG-IBIG

PAPA NOLI

ROSE

SILA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with