^

PSN Showbiz

Actor na jobless, Ka-package deal ng cellphone ang ‘katawan’

SHOWBIZ MISMO - Cristy Fermin -

Madalas naming makitang magkasama noon ang isang pamosong manunulat at ang isang baguhang personalidad na produkto ng isang reality show. Halos araw-araw namin silang nakikitang magkasama noon, sinusundo pa nga ng personalidad ang reporter kung saan ito nandun, kaya naninibago kami ngayong hindi na namin sila nakikitang magkasama.

Malapit man sa amin ang manunulat ay nahihiya kaming diretsong magtanong sa kanya, ano nga kaya ang dahilan at biglang wala na ang male personality, nag-away ba sila?

Isang taong malapit sa manunulat ang nagkuwento sa amin kung bakit, masyado raw naman kasing pinagsamantalahan ng lalaki ang pagiging matulungin ng manunulat, kaya nauntog na ito sa katotohanan isang umaga.

“Nung una, okey lang ang mga lambing niya kay ____(pangalan ng reporter). Meron siyang mga ibinebentang cellphone, buy naman agad yung isa kahit hindi niya naman kailangan talaga.

“Nung minsan naman, may ibinebenta siyang kagamitan sa bahay, get agad yung isa, para matulungan niya si ____(ang male personality) na matagal na nanirahan sa isang malaking bahay.

“Okey lang naman yun, wala namang problema sa friend ko ang mga inilalapit niya, pero nung nakakadalawang linggo na ang relasyon niya, nagpakita na ng kakaibang ugali yung male personality.

“Imagine naman, lantaran na siya kung manghingi ng datung, masyado nang kapansin-pansin ang pagiging user niya. Kung ano-ano nang kuwento ang sinasabi niya, ang ending ng kanyang istorya, puro datung ang kailangan niya.

“So, nakahalata na yung isa, kapag tumatawag siya, palaging busy na ang tinatawagan niya. Hindi na siya sinasagot, kung magkausap man sila, palaging wala nang time ang friend ko para makipagkita sa kanya,” kuwento ng kaibigan ng reporter.

Wala kasing proyekto ngayon ang male personality sa isang malaking network, totoong guwapo siya, pero napag-iwanan na siya ng kanyang mga kakontem­poraryong may itinatagong talent nung maglaban-laban sila sa isang malawakang reality show.

“Ang front niya, pagbebenta ng cellphone. Yun ang ipinupuhunan niya para may makilala siyang bading na pagkatapos niyang mabentahan ng unit, e, kasama na rin niyang ibinebenta ang katawan niya.

“Pero garapal siya, napakabilis niyang magpakita ng tunay niyang motibo, walang bading na magtatagal sa kanya. User ang lalaking yun!” pagdidiin pa ng aming impormante.

Tunog-boxer ang kanyang apelyido, kapangalan niya naman ang dalawang sikat na singers, ang isa’y rocker at ang isa nama’y walang kupas sa husay nitong kumanta.

* * *

Nagpainterbyu si Korina Sanchez sa Boy & Kris, nagkuwento ang magaling na anchorwoman tungkol sa kanilang relasyon ni Senador Mar Roxas, maraming manunulat ang nagulat dahil nung huling makasama namin ang magkarelasyon ay iwas na iwas sa pagsasalita si Korina dahil bawal daw.

Kung iinterbyuhin daw siya ay kailangan pa munang dumaan yun sa News And Current Affairs department ng Dos, bawal daw sa kanya ang magsalita nang walang basbas ang kanyang mga boss, pero bakit lumusot ang guesting niya sa Boy & Kris?

Maraming kuwento si Ate Koring tungkol sa kanyang boyfriend, sinabi niya na mahilig talagang makipag-holding hands ang senador, kahit daw saan sila nandun ay hahanapin at hahanapin pa rin nito ang kanyang kamay para sa kanilang pagho-holding hands.

Sinabi rin ng may paninindigang mamamahayag na honey ang kanilang tawagan, ipinagluluto raw niya ang senador, at kung anu-ano pang kuwento tungkol sa kanilang relasyon.

Sabi ni Ate Koring nung tanungin namin siya kung bakit puwede naman pala, pero ayaw niyang magsalita nung magkakasama kami, ay ito ang malinaw niyang sagot.

“Ipinagpaalam nila yun, nagpaalam sila sa mga bossing ng News, kaya nandun ako. Puwede naman, basta ipagpapaalam lang sa kanila ang interview,” sabi ni Korina Sanchez.

vuukle comment

ATE KORING

ISANG

KORINA SANCHEZ

KUNG

MSO

NAMAN

NIYA

TIMES NEW ROMAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with