^

PSN Showbiz

‘Uulitin ko, natutuwa ako dahil nakabalik na si Gabby sa Pilipinas’

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis -

May mga nag-react sa dialogue ko na “ Ayoko, ayoko, ayoko” sa video na ipinakita ng 24 Oras noong Lunes.

Tungkol sa pag­ba­balik ni Gabby Concep­cion ang report ng 24 Oras at ang akala ng ibang televiewers na nakapanood sa video, ayokong bumalik siya sa ating bayang magiliw.

Ang totoo, ayokong magpainterbyu kaya puro ayoko ang dialogue ko habang nakatutok sa akin ang kamera ng 24 Oras.

Una, hindi ako naka-make up. Pangala­wa, nagmamadali ako noon dahil pa­punta ako sa burol ng isang dating staff member ng Startalk at pangatlo, hindi ko pina­ngarap na mapagalitan ako ng executive producer ng Startalk dahil mas nauna pa akong magsalita sa ibang programa kesa sa sariling show namin.

Uulitin ko, natutuwa ako dahil nakabalik na si Gabby sa Pilipinas. Alam ko kung gaano niya kamahal ang entertainment industry. Sinungaling ang artista na magsasabi na hindi nila nami-miss ang showbiz, lalo na ang mga nakaranas ng fame and fortune.

* * *

Nakakaloka at nakakaaliw ang mga feedback na natanggap ko tungkol sa isinulat ko na puwedeng magtambal sa pelikula sina Gabby at Regine Velasquez.

Bayolente ang reaksyon ng fans. Ayaw nila na si Regine ang maging leading lady ni Gabby sa comeback movie nito. Mas gusto ng fans na i-partner si Gabby sa kanyang ex-wife na si Sharon Cuenta o kaya, pelikula na kasama si KC Con­cep­cion.

Si KC ang nagsabi na imposible pa na magkasama sila ng kanyang mga magulang sa isang project. Sa showbiz, walang imposible. Basta maganda ang project, may posibilidad na matuloy ito.

* * *

Heto pa ang mga reaksyon tungkol sa mga column item ko kahapon na nakapag­patawa sa akin:

Mula sa reader na nagtago sa pangalan na mandirigma123: May idea ako sa pelikula nina Gabby at KC. It’s a story of a womanizer na may anak pala sa USA at umuwi ng Pilipinas para magbakasyon.

From Kulit na may reminder sa cast ng Care Giver na pupunta sa London para mag-shooting: Naku, sana naman ay huwag magkaproblema ang cast ng Care Giver sa Heathrow Airport ng London, pagpunta nila roon.

Nagkaroon kasi ng chaos sa bagong Terminal 5 noong magbukas ito at hanggang ngayon, marami pa rin problema like cancellation ng flights, problema sa mga bagahe na nagkaipon-ipon, etc.

* * *

Nakausap ko si Chito Roño bago ito umalis kagabi papunta sa London at ang sey niya, hindi sa Terminal 5 ang landing ng eroplano na kanilang sasakyan.

May usapan kami ni Chito na magkikita kami sa pagbalik niya sa Pilipinas porke malapit na ang kanyang birthday. Type ni Chito na mag-dinner kami sa birthday niya.

* * *

Ang pagka-miss sa showbiz ang dahilan kaya may-I-return sa showbiz si Dyan Delfin na nakilala ko noong girlfriend pa siya ni Bryan Revilla.

Tatlong taon din na nagbabu sa showbiz si Dyan pero bumalik siya dahil miss na niya ang pag-arte sa harap ng kamera.

Malaki na ang ipinagbago ng physical appearance ni Dyan. Bagets pa rin ang kanyang itsura pero dalagang-dalaga na ang kanyang pangangatawan.

Ready na nga siya na magpaseksi sa mga pictorial kaya hindi ako magugulat kung maging cover girl siya ng mga men’s magazine.

Dating member ng Click si Dyan at ka-batch niya noon sina Angel Locsin, Richard Gutierrez at Bryan. Nag-umpisa nga sa set ng Click ang love affair nila ni Bryan ‘huh!

vuukle comment

CARE GIVER

CENTER

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with