^

PSN Showbiz

Nadine ayaw nang mag-renew ng contract sa GMA?

THAT’S ENTERTAINMENT - Kuya Germs -

Bago pala naging Kapuso si Nadine Samonte ay Kapamilya siya. Natapos na ang kontrata  niya sa GMA 7 nitong nakaraang buwan pero, balita ko ay hindi pa siya nakakapag-renew.

Takot daw siyang pumirmang muli dahil baka matulad ang career niya sa Dos na isang taon siyang walang assignment kaya nga lumipat siya ng Siete.

“Gusto ko pa rin sa GMA pero parang na-trauma na ako sa pagpirma ng kontrata dahilan nga sa nangyari sa akin,” paliwanag naman ng batang aktres na pawang magagandang projects  naman ang natatanggap sa GMA, in fairness.

 

* * *

Kung hindi pa pinagkalooban ng Lifetime Achievement Awards sina Celso Ad Castillo at Gloria Sevilla, hindi pa natin sila maalala. Lalo na si Celso Kid, popular na tawag sa kanya, na maraming magagandang movies ang naibigay sa industriya. Kung tutuusin nga ay matagal na siyang dapat nabigyan ng parangal.

Meron palang nagawang pelikula si Celso Kid na ipalalabas early next year, ang Sanib 2. Dito muling ma­kikita ang pagiging henyo niya.

Siyanga pala, di rin pahuhuli ang FAP, pararangalan din nila si Celso Kid.

Si Gloria naman ay ‘di pa naman tuluyang retirado. Gumagawa pa rin ito ng pelikula at lumabas sa TV. Timely din ang pagtanggap niya ng Lifetime Achievement Award sa FAMAS.

vuukle comment

CELSO AD CASTILLO

CELSO KID

GLORIA SEVILLA

LIFETIME ACHIEVEMENT AWARD

LIFETIME ACHIEVEMENT AWARDS

NADINE SAMONTE

SI GLORIA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with