^

PSN Showbiz

Mariel malutong magmura

- SEEN SCENE -

SEEN: Nakikiusap si Jackie Forster sa media na igalang ang privacy ng kanyang boyfriend. Si Jackie ang nagdala sa kanyang boyfriend sa grand finals ng Celebrity Duets sa studio ng GMA 7. Kung importante kay Jackie ang privacy ng kanyang boyfriend, hindi niya ito dapat isama sa mga lugar na makikita sila ng mga reporter.

SCENE: Walang karapatan si Martin Jickain na umalma kung bansagan siya na showbiz na showbiz. Nakunan ng TV crew ang pagkikita nila ng kanyang anak na si Marthena noong Linggo at  malakas ang hinala ng PSG ( Pilipino Star Gossip Group) na si Martin ang nagtimbre sa media tungkol sa kanilang pagtatagpo para maipalabas ito sa telebisyon. Ang pagiging mabuti at responsableng ama ay hindi nasusukat sa pagpapakita sa TV ng bonding moments ng mag-ama.

 SEEN: Nagwakas na ang Natutulog Ba Ang Diyos kaya libre nang bumalik sa GMA 7 si Dina Bonnevie na magkakaroon ng importanteng role sa Babangon Ako at Dudurugin Kita, ang primetime series na tatampukan nina Yasmien Kurdi at JC De Vera.

Palipat-lipat lang ang mga artista ng ABS-CBN at GMA 7, lalo na ang mga beteranang aktres na tulad ni Dina Bonnevie. Nakasama ni Dina sa Natutulog Ba Ang Diyos si Rosanna Roces na hindi puwedeng makabalik sa  GMA 7 dahil ‘nagsunog siya ng tulay.’

 SCENE: Iniiyakan ni Ethel Booba sa loob ng PBB house ang kanyang boyfriend na si Janvier Daily. Hindi masisisi si Ethel sa pagngalngal nito dahil alam niya na hindi siya nakasisiguro sa pagmamahal ng kanyang bagets boyfriend.

 Hindi bago ang pagkabaliw ni Ethel kay Janvier dahil ganoon din ang kanyang naging asal noong sila pa ni Alex Crisano ang magkarelasyon kaya hindi siya dapat sineseryoso.

SEEN: Sa lahat ng mga aktor na umamin na bading, si Marc Cortez ang ayaw pag-aksayahan ng oras ng mga tao dahil hindi siya kilala. Ipinahayag ni Marc na nagpasya ito na aminin ang pagiging bakla dahil nahihirapan na siya na ikubli ang tunay na katauhan. Binigyan ni Marc ng problema ang mga tao na hindi nakakakilala sa kanya. Sino ba raw si Marc? Ano ba raw ang kanyang kontribusyon sa showbiz? 

SCENE: Shocked ang viewers ng  24/7 telecast ng Pinoy Big Brother Celebrity Edition dahil malutong na P...i..na ang favorite expression ni Mariel Rodriguez. Hindi lang sanay ang 24/7 viewers na nakikita o napapanood na nagmumura si Mariel na ipinamalas ang tunay na ugali sa ilang araw na pamamalagi sa PBB house. Sigurado ang PSG na walang malisya ang madalas na paggamit ni Mariel sa kanyang favorite expression.

vuukle comment

ALEX CRISANO

BABANGON AKO

DINA BONNEVIE

KANYANG

NATUTULOG BA ANG DIYOS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with