^

PSN Showbiz

Direk Laurenti Dyogi at Jon, imbyerna kina Irish, Panky, Chad at JayR!

-
Pinagtawanan ni Judy Ann Santos ang tsikang nagseselos siya kay Pauleen Luna kaya hindi niya binanggit ang name ng leading lady ng boyfriend niyang si Ryan Agoncillo sa pelikulang My Kuya’s Wedding.

"May ganun ba talagang isyu? Ha, ha nakakatawa, ang cheap ng isyu, huh! Hindi ko sinabing cheap si Pauleen kundi ‘yung isyu kasi hindi ko naman siya kaedad para pagselosan?" paliwanag ni Budaday nang makausap siya sa 11th year wedding anniversary nina senatoriable Kiko Pangilinan at Sharon Cuneta.

"Kaya hindi pumasok sa isipan ko si Pauleen para maging leading lady ni Ryan is simply because she’s too young, kaya sina Iza Calzado at Joyce Jimenez ang binanggit ko na pwedeng maging leading lady ni Ryan kasi ‘yun ang sing-edad niya.

"At saka hindi na uso ang selosan sa amin ni Ryan ngayon, nalagpasan na namin at saka matanda na kami para sa ganyang isyu," esplikang mabuti pa ng aktres.
* * *
Binitawan na ng Dream Big Productions sina Irish Fullerton, Panky Trinidad at Chad Peralta bilang contract stars dahil sa mga problemang na-encounter ng grupo nung nasa Amerika sila for series of shows.

Frozen delight naman ang status ni Jay-R Siaboc na isa rin sa naging pasaway daw sa grupo during the entire tour dahil sa influence raw ni Irish.

Anyway, hindi na matutuloy ang contract signing ni Irish sa Warner Music kung saan ilalabas sana ang kanyang first album dahil sa biglaang pagbitaw sa kanya nina directors Laurenti Dyogi at Jon Ilagan dahil sa kapalpakang pinaggagawa niya sa Amerika at ang masama ay nan damay pa raw siya ng kapwa PDA scholars nung magdala siya ng alak sa kuwarto ni Yeng Constantino para mag-celebrate since huling gabi na nila iyon.

Sa kaso naman ni Panky ay hindi na raw makayanan ang pagiging maldita nito lalo na nung nagsalita ito sa harap ng fans na makukulit na nagpapa-picture, "I don’t need this shit, marami kaming pera sa Cebu."

"Hindi ba naisip ni Panky na dahil sa TFC fans kaya sila nakarating ng Amerika?" ito ang tsika sa amin ng taong nakakaalam ng pangyayari.

Nadamay pa raw si Yeng na akala’y siyang maldita pero ang totoo ay sina Panky at Irish pala.

Si Chad naman ay hindi makayanan ang pressure bilang singer dahil sagad-sagaran daw ang rehearsals tapos maliit lang daw ang bayad, mas gugustuhin na lang daw niyang bumalik ng Australia.

Samantalang si Jay-R ay hindi alam kung hanggang kailan siya frozen delight dahil balita namin ay pababalikin na ito ng Toledo City para magtanda.

"Naging matigas ang ulo ni Jay-R kaya dapat bigyan siya ng leksyon," katwiran sa amin ng taga-PDA.

Kaya bukod tanging sina Ronnie Liang at Yeng na lang daw ang mapapanood sa ASAP Live at posibleng isama na rin si RJ Jimenez na siyang ka-loveteam naman talaga ni Yeng.
* * *
Kung gaano katipid magsalita ni direk Lino Cayetano tungkol kay KC Concepcion ay siya namang vocal ni Sharon Cuneta sa pagsasabing gusto niya ang kapatid ni senatoriable Alan Cayetano.

"Alam n’yo, taong humaharap sa amin si Lino kaya walang dahilan para hindi namin siya magustuhan at kausapin. Kami naman kasi, kung tao kang hu marap, tao ka rin naming kakausapin and good thing with Lino is, he’s really a gentleman.

"Actually, ako nga rin, nagtatanong sa anak ko (KC) kung ano ang status nila, e, hindi rin ako sinasagot ng anak ko. Kaya to be honest, wala akong maisi-share sa inyo about KC and Lino."

At very much appreciated din ni Shawie ang sinabi ng batang director na hindi lang niya iboboto si Kiko kundi ikakampanya rin niya. – REGGEE BONOAN

vuukle comment

AMERIKA

KAYA

PANKY

RYAN

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with