^

PSN Showbiz

Starstruck mismo ang naglabas ng kasiraan ng kanilang artista

ISYU AT BANAT - ISYU AT BANAT Ni Ed De Leon -
Nagmukhang kawawa at sinungaling naman si Aljur Abrenica ng Starstruck noong ikinaila niyang sinabihan niya ng "ahas" si Mart Escudero, ang isa nilang kasamahan sa contest, at sinabi pa niyang "Yang salitang ahas ay hindi nababanggit sa bahay namin kaya hindi ko masasabi iyan."

Ang ginawa naman noong production staff ng Starstruck, pagkatapos noong interview na iyon ay inilabas nila ang isang footage kung saan sinasabi nga ni Aljur mismo na ang kasamahan nila ay may "ugaling parang ahas". Lumabas na sinungaling si Aljur.

Matatawag bang build up iyon?

In the first place, hindi namin alam kung bakit kailangan pa nga nilang ilabas ang hindi magandang nangyayari sa kabuuan ng kanilang contest. Noong araw ang mga bagay na iyan ay itinatago ng mga nagbi-build up ng mga artista. Ngayon binubuko mismo sila ng mga nagbi-build up sa kanila.
* * *
Masama raw ang loob ng isang tv executive nang sa mismong meeting nila ay sinabihan siya ng kanilang boss na puwede na siyang mag-retire. Naintin dihan na niyang hindi na happy ang mga iyon sa kanyang trabaho, at ang pakiramdam naman niya ay ginawa niya ang lahat ng makakaya niya para sa kumpanya. Pero ganoon lang talaga ang buhay, empleyado lang naman kasi siya roon eh.

vuukle comment

ALJUR

ALJUR ABRENICA

LUMABAS

MART ESCUDERO

MASAMA

MATATAWAG

NAGMUKHANG

NAINTIN

NGAYON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with