12 years nang walang lalaki sa buhay si Liza Lorena
SUNTOK SA BUWAN - Emy Abuan Bautista () - January 25, 2007 - 12:00am
Matagal naming nakakwentuhan si Liza Lorena sa presscon ng Maria Flordeluna kung saan gagampanan nito ang kontrabida role na ginampanan noon ni Carmen Enriquez.

Tiyak na kaiinisan na naman siya sa pang-aapi nito sa bida ng soap opera na si Eliza Pineda.

Hindi ka ba naggi-guilty before and after ng take kapag sinasaktan mo ang isang bata? tanong namin.

"Nagpapraktis muna kami ng bata at sasabihin ko na agad na sasampalin ko siya para more or less, alam na niya ang gagawin ko. Mayroon akong kontrol sa sarili kapag hinihila ko at sasampalin ang bata," aniya.

Nagkasundo rin sila ni Kristel Fulgar na gumaganap na kontrabidang apo nito dahil magaling din siya gaya ni Eliza.

Tinanong din namin si Liza kung paano niya name-maintain ang ganda ng mukha sa paglipas ng panahon.

"Masaya kasi ako at nasa magandang estado na ang mga anak ko. Swerte ako sa mga anak ko. Twelve years na akong celibate and I’m very happy because of my faith in Him," dagdag pa nito.

Hanggang ngayon ay visible pa rin sa pelikula at telebisyon si Liza at di nawawalan ng project sa ABS-CBN gayundin sa GMA.
Nagulat Nang Muling Makasama Ang Ex-GF
Inamin ni Alwyn Uytingco na hindi naging madali ang paghihiwalay nila ng dating girlfriend na si Jill Yulo na kapareha niya sa Maria Flordeluna.

Ano ang reaksyon mo nang malaman na magiging leading lady mo siya? tanong namin.

"Nagulat ako dahil after nine months pagkatapos naming magkahiwalay, alam kong galit pa rin sa akin si Jill. Inamin ko naman na kasalanan ko kung bakit kami nag-break dahil nawalan ako ng panahon sa kanya at binigyan ko ng importansya ang aking barkada. Natuwa naman ako nang malaman kong magkasama kami uli sa MF dahil baka maging daan ito para maging close uli kami," aniya.

Magkaibigan na lang sila ngayon dahil may nobyo na si Jill, si Meynard Lapid at nililigawan naman niya si Princess Ryan ng Star Circle Batch 13.

ALWYN UYTINGCO CARMEN ENRIQUEZ ELIZA PINEDA INAMIN JILL YULO KRISTEL FULGAR LIZA LORENA MARIA FLORDELUNA MEYNARD LAPID
  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with