^

PSN Showbiz

Movie ni Mega sa GMA, matutuloy pa ba?

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles -
May naka-schedule na presscon si Sharon Cuneta this month para sa kanyang pre-Valentine’s Day concert na gagawin sa Araneta Coliseum sa February 10. Billed My Mega Valentine Concert 2 na repeat ng concert na ginawa niya last year.

Kaya hinihintay namin ang presscon ni mega para makumpirma kung matutuloy na this year ang movie niya sa GMA Films. Third quarter of this year daw gagawin ang movie at uunahin lang nito ang pelikula sa Star Cinema. Binanggit sa amin ang pangalan ng isang actor na posibleng makasama ni Sharon sa movie pero, kukumpirmahin pa namin.

Si Pops Fernandez at ang APO ang guests this time ni Sharon sa kanyang concert. In-explain sa amin ni Sandra Chavez ng Artist House kung bakit may kamahalan ang tiket, pero sulit naman daw.
* * *
Ngayong Tuesday ang presscon ng Princess Charming at sana present si Mylene Dizon dahil marami kaming itatanong sa kanya. Kapapanood lang kasi namin ng digi film na Romeo and Juliet nila ni Andrea del Rosario at nagulat kami sa marami nilang kissing scenes as in, laplapan talaga. Plus may shower scene pa sila at nagsasabunan talaga ng katawan.

Tsitsikahin din namin ang aktres sa set-up nila ni Paolo Paraiso na kahit hiwalay na sila, libre pa rin itong matulog sa bahay niya dahil hinahanap ng anak nilang si Tomas. Gusto ng bagets na kayakap ang mga magulang ‘pag natutulog.

Gusto rin ni Mylene na ‘pag nagkaanak uli siya, si Paolo pa rin ang ama para buo na magkapatid ang mga anak niya. Mahirap lang itong mangyari ngayon dahil as of now, malabo silang magkabalikan ng ama ng kanyang anak.

Sa January 29 na pala ang pilot ng Princess Charming at sa Dramarama sa Hapon ito ilalagay ng GMA-7 at ‘di primetime. Si Argel Joseph ang director ng soap na bida sina Crystal Reyes (former Jolina Marie Reyes) at Charming Lagusad (Eunice Lagusad) dati.
* * *
Bilib kami kay Ara Mina dahil inalam lahat ang details para sa kanyang Loving Ara@15 concert sa Araneta Coliseum sa February 3. Alam na 9,967 lang ang seating capacity ng venue at patay ang backstage area dahil ‘di ibinibenta. Sa statistics na ito, expected na niyang ‘di mapupuno ang Big Dome sa gabi ng kanyang concert.

Inalam din nito ang seating plan para ang mga kaibigan at kakilalang bumibili na ‘di magkakabati ay ‘di magkakatabi sa upuan. Hands-on ang singer-actress sa paghahanda sa kanyang concert, kaya nakakatuwang malamang marami ang bumibili ng tiket.

Ang Loving Ara @15 ay patungkol sa love ng dalaga sa kanyang family, career at boyfriend. Anniversary show din niya ito at fundraising concert na rin para sa kanyang foundation. Guesting in her concert are Ogie Alcasid, Rufa Mae Quinto, Wendell Ramos, Jimmy Bondoc, Jose Manalo, Ney of 6Cyclemind, Raymund Marasigan of Sandwich & Michael V. Rowell Santiago directs.
* * *
Kasama na sa Avengers ng StarStruck 4 The Next Level sina Hazel Uy ng Cebu at Dex Quindoza ng Tondo, Manila dahil sila ang latest pair na na-eliminate last Sunday. Hopefully, magka-career pa rin ang dalawa kahit out na sila sa contest.

Naalala namin ang tsikahan namin with direk Louie Ignacio tungkol sa mga taga-SS. Hindi kami pumabor sa sinabi nitong kasalanan ng mga bata kung bakit ‘di sila nabibigyan ng project, kaya ‘di sumisikat. Unprofessional daw ang mga bagets at late na nga dumadating ay ‘di pa memoryado ang script.

Ang punto nami’y hindi naman yata lahat ng Avengers ay unprofessionals. May ilan sa kanilang seryoso sa trabaho at naghihintay lang ng break. Silang mga professional, masunurin at seryoso sa trabaho ang bigyan nila ng project.

Kaya natutuwa kami na isinama sa Bakekang si Arci Muñoz at nasa Princess Charming din siya kasama si Jade Lopez. Si Megan Young ay nasa Asian Treasures at sana, pati ang ibang taga-SS ay mabigyan din ng show.

vuukle comment

ANG LOVING ARA

ARA MINA

ARANETA COLISEUM

ARCI MU

ARGEL JOSEPH

ARTIST HOUSE

CONCERT

KANYANG

PRINCESS CHARMING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with