^

PSN Showbiz

Dolphy nakakaawa!

-
Nagkita-kita na ang mga napiling contestant ng StarStruck mula sa iba’t ibang probinsiya at maging ang galing sa Metro Manila.

Ito bale ang ika-4th batch ng reality search ng GMA Network.

Mahigitan kaya ang tagumpay ng bagong batch ang mga naunang produkto ng StarStruck? At malampasan kaya ng mga mapipiling winner ang kasikatan at talino nina Jennylyn Mercado, Mark Herras, Katrina Halili, Jackie Rice, Iwa Motto at iba pang kabataan na hataw ang career na galing sa StarStruck.

Sana mas higit pang maging exiciting, maintriga at maging makulay pa ang bagong batch ng StarStruck. Higit sa lahat, maka-discover na naman sana ang GMA ng bagong set ng kabataan na may talino at magiging huwaran ng mga teenagers natin ngayon.
* * *
Naawa naman ako kay Dolphy dahil sa malungkot na balita sa kanyang apo, sa anak nitong si Freddie.

Hindi pa rin maiwasan na hindi masasangkot ang pangalan ng comedy king.

Nag-aalala lang ako dahil alam naman natin na marami na siyang pinagdaanan at masama rin siyempre ang epekto sa kanyang kalusugan ng mga ganitong problema.
* * *
Tuloy na ang kasal ni Maricar de Mesa ngayong December sa kanyang nobyong si Don Allado ng Talk N Text.

Isa ako sa tatayong ninong ng dalawa at hangad ko ang matagumpay at masayang pagsasama sa bubuuin n’yong pamilya.
* * *
Sa wakas nakahanap din ng bakasyon si Regine Velasquez na matagal na niyang hinihingi. Replay kasi ang SOP kaya tumakbo si Regine kasama ang buong pamilya para mapanood ang kanyang idolong si Barbra Streistand sa Amerika. — GERMAN MORENO

vuukle comment

BARBRA STREISTAND

DON ALLADO

IWA MOTTO

JACKIE RICE

JENNYLYN MERCADO

KATRINA HALILI

MARK HERRAS

METRO MANILA

REGINE VELASQUEZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with