Iwa, halos lumuwa ang dibdib!
November 11, 2006 | 12:00am
Agaw-eksena si Iwa Moto sa presscon ng Pitong Dalagita dahil siya lamang ang bukod tangi na napaka-sexy ng kasuotan at halos lumuwa na ang kanyang malulusog na dibdib kaya nag-fiesta ang mga photographers sa kanya. Obvious na totoo ang boobs ni Iwa dahil umaalug-alog ito sa tuwing siyay naglalakad o kumikilos.
Sa kabila na siya ang may pinakamalulusog na dibdib among her co-stars na kinabibilangan nina Angelica Panganiban (na isa pang may malulusog na dibdib), Valerie Concepcion, Yasmien Kurdi, Cristine Reyes at Nadine Samonte, hindi naman na-insecure ang mga ito kay Iwa na siyang pinakamakulit sa grupo.
Aminado si Iwa na nakaka-relate siya sa pelikulang Pitong Dalagita dahil minsan sa buhay niya ay nagtangka siyang mag-suicide dahil sa depression. Pero hinding-hindi na umano niya ito uulitin gaano man kabigat ang kanyang problema.
Ang baguhang movie director na si Crisaldo Pablo ang director ng Pitong Dalagita na produced ng Canary Films, subsidiary ng OctoArts Films.
Ngayong ni-launched na ng Regal Films si Katrina Halili sa Gigil, wala kayang plano ang Star Cinema o di kaya ang Regal Films na bigyan din si Angelica ng kanyang sexy launching film although na-launched na siya sa Santa-Santita kung saan niya nakapareha si Jericho Rosales.
Samantala, may dalawang pelikulang magkasunod si Angelica sa ilalim ng Canary Films, ang soon-to-be-shown movie na Pitong Dalagita at ang horror MMFF entry na Matakot ka sa Karma.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended





















