^

PSN Showbiz

Sa pagdating muli ng ex ng bf niya "Okay lang bumalik siya, huwag lang niyang babawiin sa akin si Rufa Mae"–Erik Santos

- Veronica R. Samio -
Kung anumang intriga ang dinanas nina Rufa Mae Quinto at Erik Santos dahil sa kanilang magtatatlong buwan na relasyon, ito’y tinuldukan na nila. Hindi na sila paaapekto sa mga darating pang intriga.

"Hindi naman kami loveteam at wala kaming movie together na pino-promote para kami gumawa ng gimik gaya ng sinasabi nila," panimula ni Erik sa isang presscon na ang layunin ay i-promote ang kanilang When Erik Met Rufa Mae concert sa Music Museum sa Setyembre 15 at 16. Pero, kapag ang dalawa ang kakausapin mo, maari bang hindi pag-usapan ang kanilang relasyon?

"Para naman kaming mga kawawa na walang mga careers kung gigimik kami ng ganito, eh pareho namang maganda ang careers namin," pagtatanggol ni Erik na nung una ay na-shock sa lifestyle ni Rufa Mae pero sa kalaunan ay nasasanay na rin siya. At bagaman at naiintindihan niya na kailangan sa trabaho ni Rufa Mae ang magpa-sexy, desisyon na rin ni aktres na kapag hindi kailangan ay hindi na siya magdi-display ng kanyang kagandahan.

When asked kung ano ang gagawin nilang dalawa ngayong bumalik na ng bansa si Rudy Hatfield, sinabi ni Erik na "Okay lang na bumalik siya, huwag lang niyang babawiin sa akin si Rufa Mae." Sinabi rin ni Erik na kapag nakipagkita ang nobya sa dating nobyo ay sasamahan niya ito. "Marami na akong napagdaanang ganyan kaya alam ko na ang gagawin ko," sabi pa niya.
* * *
Bukod sa inaabangang pareha nina Luis Manzano at Toni Gonzaga at ng bagong tambalan nina John Prats at Roxanne Guinoo, isang exciting pair na maituturing sina Aldred Gatchalian, isang former PBB housemate at Valeen Montenegro, apo ng isang sikat na matinee idol nung kapanahunan niya.

Sa kanilang first press interview, marami ang nakapuna na may chemistry ang dalawa. Una na, opposites ang personalities nila. Tahimik si Aldred at hinayaang agawin sa kanya ni Valeen ang spotlight. He doesn’t mind, alam niya na talagang madaldal lamang ang kapareha. Wala itong balak na agawan siya ng eksena.

"Yun ang nagustuhan ko sa kanya, masaya siya, very frank, spontaneous pero, nung una ko siyang makita akala ko, suplada siya o mahiyain, hindi pala," sabi nito.

First venture ni Aldred ang Crazy For You, isang bagong teleserye ng ABS CBN. Isang sorpresa para sa kanya na makasamang muli si Valeen na una niyang nakatambal sa kanyang unang music video.

Si Valeen si Luna na sa bahay ay nakikipag-kumpetensya sa kanyang kapatid na si Wacky (Luis) sa atensyon ng kanilang mga magulang at sa iskwelahan naman ay si Brix (Aldred)ang mahigpit niyang karibal.

Hindi nakapagtataka kung maging isang mahusay na artista si Valeen. Lolo niya si Mario Montenegro na ang asawa ay isa ring artista nung araw. Dalawa ang naging anak ng mga Montenegro, sina Marilen na naging isang modelo at si Honeylet. Ang huli ang ina ni Valeen.
* * *
Ngayong gabi na ang Imelda Papin –Dream Come True concert sa Manila Hotel. Prodyus ito ng Rotary International District 3780 at magtatampok din kina David Pomeranz, Andrew E, Maffi Papin, Norman Mitchell at former senator Joey Lina.

Kagagaling lamang ni Imelda sa isang concert series sa US at pagdating ay sumabak agad sa mga jampacked Casino Filipino shows.

Isasabay sa concert ang paglulunsad ng "Dream Come True" album ni Imelda na ipamamahagi internationally. Ang kikitain sa concert ay gagamitin para sa mga proyekto ng Rotary. Para sa tiket, tumawag sa 3732542/09178343645/09178880099/09174042838/09155597172.
* * *


[email protected]

vuukle comment

ALDRED

ALDRED GATCHALIAN

ANDREW E

CASINO FILIPINO

DREAM COME TRUE

ERIK

ISANG

RUFA MAE

VALEEN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with