^

PSN Showbiz

Young actress, lasing sa taping!

SUNTOK SA BUWAN - Emy Abuan Bautista -
Hindi kami magtataka kung bakit inis na inis ang mga staff ng isang malaking network sa young actress na ito. Kahit mga beterano at iginagalang na artista ay pinaghihintay nito ng matagal sa taping.

One time ay dumating ito sa set na lasing kaya napagalitan daw ng director.

Nanghihinayang kami sa young actress na ito kung totoo man ang mga naisyete ng aming source dahil sayang ang pagkakataong naibigay o ibinibigay sa kanya ng network. Imbes na sumikat nang husto ay baka biglang manamlay ang career nito dahil sa sobrang pasaway.
Heart May Bagong Nanay!
Nakakwentuhan namin si Angeli Pangilinan sa concert ni Champagne Morales at sinabi nitong naaawa siya sa kanyang alagang si Heart Evangelista kapag umiiyak ito sa kanya.

Inaalalayan ito ni Angeli at binibigyan niya ng mga payo para gumaan ang pakiramdam. Ngayon ay nakaka-move-on na ang young actress dahil nagsilbing ina-inahan niya ang manager.
Urung-Sulong Na Maging Pulitiko
Hindi pa tiyak kung talagang papasok sa pulitika si Ara Mina. Marami pa siyang gustong malaman tungkol dito at hindi sa lahat, hihintayin muna nito ang payo ng amang si Chuck Mathay. Sakaling pumayag ang ama nito ay saka lang siya magde-decide kung papasukin ang pulitika sa darating na eleksyon.

Pinagkakaabalahan din ni Ara ang kanyang Ara Mina Foundation na ang layunin ay makatulong sa mga kapos palad lalo na sa mga bata.
May Ibubuga Sa Pag-Arte
Fifteen years old lang ang magandang dalagitang si Nica Escandor na miyembro ng Star Circle Teen Quest Magic 25 (Batch 2). Pero ngayon ay abala ito sa mga TV guesting gaya ng Magpakailanman at Sugo.

May ibubuga naman sa pag-arte si Nica dahil nahasa ito sa acting workshop ni Becky Aguila.

Bukod sa pag-arte ay abala pa rin ito sa mga paggawa ng komersyal.
Sayang Si Iwa Motto
Habang maaga pa ay dapat na magbago si Iwa Motto dahil nanghihinayang kami sa kanyang career. Mabilis itong gumawa ng pangalan dahil magaling umarte.

Kaya lang, pasaway din ito at unprofessional dahil nale-late sa taping. Hindi naman niya pwedeng idahilan na traffic at malayo pa ang kanyang bahay. Di gumising siya ng maaga, di ba?

Paano rin siya magiging role model gayung nagsisigarilyo ito at umiinom din ng alak? Habang maaga dapat ay matauhan na siya at gawing prioridad ang career kaysa sa pag-ibig.

vuukle comment

ANGELI PANGILINAN

ARA MINA

ARA MINA FOUNDATION

BECKY AGUILA

CENTER

CHAMPAGNE MORALES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with