^

PSN Showbiz

Janice, John, nag-dedmahan!

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis -
Dedmahan ang drama ng ex-couple na sina Janice de Belen and John Estrada sa birthday party ni Tito Douglas Quijano last Sunday night sa Tong Yang sa Pan Pacific Hotel.

Naunang dumating si John na talagang tinititigan ng karamihan ang butt matapos siyang ma-‘touch’ sa clinic ni Dra. Vicki Belo.

Eh kaso, walang choice si Janice kundi mapalapit sa table ng dating asawa dahil kailangan niyang kumuha ng food dahil malapit sa buffet table ang table ni John kasama si Maricar de Mesa. 

Hanggang sa umalis si John, dinaanan lang niya ang table kung nasaan si Janice na ka-table naman ni Joey Marquez na siya lang binati ni John.

One happy family naman sina Richard Gutierrez with girlfriend Georgina Wilson, Raymond and Annabelle Rama and Eddie Gutierrez.

Na-mention nga pala ni Tita Annabelle na hindi pa sure kung tatanggapin ni Ruffa ang mala-Desperate Housewives movie na offer ng Regal Films. Kailangan pa raw kasing basahin ni Yilmaz ang script.

Samantala, magkakasunurang dumating sina Richard Gomez with wife Lucy Torres and Gretchen Barretto.

Super pout ang lips ni Gretchen na previously ay inaamin naman niya sa ilang friends niya na nagpa-inject sila ng friend niyang si Pops Fernandez sa lips.

Bakit kaya hindi isama ni Mother Lily si Lucy sa gagawing movie nina Gretchen, Ruffa, Pops and Dawn? Parang mas magiging exciting kung join si Ms. Lucy? ‘Yun naman ay kung papayagan siya ni Goma.

Maagang umalis si Jomari Yllana sa party ni Tito Dougs na bagong kalbo. Hindi niya ka-join si Pops.

Sinasabi naman ni ‘Nay Lolit Solis na ang alaga niyang sina Pauleen Luna and Yasmien Kurdi ang magi-entertain ng guests sa nasabing party.

Ang dami pang naki-join kay Tito Douglas sa birthday niya sa Tong Yang. Isa si Tito Dougs sa showbiz na napakabait at supportive.

Happy birthday Tito Dougs.
* * *
Kasabay ng party that night ni Tito Dougs ang 50th birthday ni Tita Cristy Fermin. Sa Metro Bar naman ang kanyang party. Kasabay ng nasabing party ang invitational concert ng first major concert ng boxing champion na si Manny Pacquiao. Kumanta talaga si Manny at in fairness, may boses naman pala talaga siya.

Dami ring artista sa party ni Tita Cristy kaya lang hindi kami gaanong nagtagal ni Tita Ethel.

Happy birthday Tita Cristy.
* * *
True kaya na imbyerna ang mga taga-oposisyon kay Direk Joel Lamangan dahil bigla-bigla itong nag-desisyon na mag-join sa Liberal Party headed by Manila Mayor Lito Atienza?

Biglaan kasi ang desisyon ni Direk Joel na balitang tatakbong mayor ng Cavite.

Common knowledge naman kasing kasama siya noon sa pakikibaka ng oposisyon tungkol sa umano’y mga nangyayari sa ating pamahalaan ngayon.

In fact, may project sana si Mommy Rose Flaminiano na housing for entertainment workers pero dahil nga opposition si Direk Joel, naudlot ang project.

Actually, marami talagang shocked sa naging decision ng magaling na director.
* * *
Katawa ang kwento ng isang real estate broker tungkol sa isang actress. Minsan daw may nag-advice sa kanilang nagpapahanap ang isang actress ng house and lot sa lugar ng mayayaman. So siyempre, inisip nilang malaki agad ang kikitain nila oras na makuhanan nila ito ng hinahanap na pangarap na bahay at lupa.

So hanap-to-the max daw sila sa Ayala, Parañaque at kung saan-saan pa hoping na makaka-commission sila. Pero ang ending, kahit anong dami ng nakita nilang prospect para sa aktres, di matuluy-tuloy ang negotiations dahil ang ginagawa raw ng aktres, pag nalaman kung saang area ang binibenta, ang aktres na ang nakikipag-negotiate sa may-ari ng bahay.

Kaya give up na ang real estate agent. Wa naman daw silang mapapalang commission.

vuukle comment

BELEN AND JOHN ESTRADA

DIREK JOEL

JANICE

NAMAN

PARTY

TITA CRISTY

TITO DOUGS

TONG YANG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with